Tuesday, July 5, 2016

Baste Duterte: Hindi porke may tattoo at hikaw ang tao adik na!




SALUDO ang mga netizens sa mga naging pahayag ng presidential son na si Sebastian “Baste” Duterte tungkol sa patuloy pa ring diskriminasyon na nararanasan ng ilang mamamayan ng Pilipinas.

Sa isang sports event kamakailan nagsalita si Baste laban sa mga taong masama ang tingin sa mga may tattoo at hikaw. Karamihan daw kasi sa mga Pinoy ay adik ang tingin kapag may tattoo at hikaw ang isang tao. “Hindi ibig sabihin kapag may hikaw ka sa bibig at may tattoo ka sa katawan, addict ka na, rebellious na. No. It’s not always ganoon,” pagdidiin ng anak ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Yes to sports, yes to music, no to drugs. Very basic, just follow it. Alam niyo namang nakakasira ‘yung drugs, bakit n’yo pa gagawin?” aniya pa sa panayam ng ABS-CBN.  Kuwento pa ni Baste, noong nasa high school pa siya ay naka-experience din siya ng pambu-bully at ng diskriminasyon.

“I studied in San Beda. Akala ng mga kaklase ko, dahil taga-Mindanao ako, Muslim na ako. Ano ba iyon, ‘di ba? It’s not even bad to be a Muslim pero bakit may ganu’n silang idea na kapag taga-Mindanao, Muslim ka na? I’m not saying it’s discrimination but pakiusap naman, open your minds,” pahayag pa ng tinaguriang bagong heartthrob sa Malacañang

No comments:

Post a Comment