Monday, June 13, 2016

Baron Geisler hindi na mabubuhay ng walang alak wa epek ang rehab


HINDI talaga hanapbuhay ang hanap ni Baron Geisler, away ang palagi niyang hinahanap, puwede niya namang iwasan ‘yun kung magpapairal lang siya ng disiplina sa iisa niyang buhay.

Pero hindi ganu’n ang ginagawa ng magaling pa namang aktor, pagitan lang nang ilang araw ay sangkot na naman siya sa gulo, siya na naman ang pinagpipistahan ng ating mga kababayan habang tungayaw nang tungayaw sa kalye.

Naiimadyin namin ngayon ang kanyang pamilya. Gaano kaya kakabado ang mga ito kapag umalis na ng kanilang bahay si Baron? Ihinahanda na kaya nila ang kanilang loob na madadamay na naman sa gulo si Baron o sanay na sanay na sila?

Minsan na kaming pinuntahan ng nakatatanda niyang kapatid, humihingi ito ng tulong, paano raw kaya ang kanilang gagawin dahil palagi na lang problema ang iniuuwi ni Baron sa kanilang pamilya? Nagpa-rehab na nga si Baron, pero wala rin namang nangyari, para siyang mamamatay kapag hindi nasasayaran ng alak ang kanyang lalamunan.

Kung ang ibang tao ay adik sa ipinagbabawal na gamot, ang adiksiyon naman ni Baron ay alak, parang nanghihina siya kapag hindi nakalalaklak. Walang ibang makatutulong kay Baron kundi ang sarili lang niya. Kahit ano ang gawin ng ibang tao, kung siya mismo ang hindi magbabago, ang lahat ng payo ay mauuwi lang sa wala.

Monday, June 6, 2016

Pacman sa 2 anak:Nagmo-model lang sila, wala pang planong mag-artista!

NILINAW ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao na hanggang pagiging model lang muna ang gagawin ng kanyang mga anak na sina Jimuel at Michael.
Ayon kay Pacman, wala pang plano ang mga bagets na pasukin na rin ang pag-aartista.

Sa panayam ng ABS-CBN sa bagong halal na senador, proud na proud daw siya sa kanyang mga anak dahil bukod sa matatalino ay mababait pa ang mga ito at masunurin sa mga magulang.
Nang makita nga raw niya ang pictorial ni Jimuel ay talagang ang saya-saya niya lalo na nang mabasa niya ang mga komento ng mga followers nila ni Jinkee sa social media. Nagpapasalamat nga raw siya sa mga pumupuri sa dalawang anak.

“I’m so proud of my sons Jimuel and Michael na pinasok nila ang modelling at mababait silang mga anak at masunurin,” ang chika ni Pacman sa nasabing panayam.

Ngunit ipinagdiinan ng nanalong senador na hindi pa naman daw tuluyang papasukin nina Jimuel at Michael ang pag-aartista.
“Hanggang modelling lang muna. Ha-hahaha! Number one ang education and I teach them to humble themselves before others,” pahayag ng Pambansang Kamao.

Nang tanungin naman kung may wish pa ba siya sa darating na Father’s Day, sagot ni Manny, “Wala, basta happy lang ako at magkakasama kami.”

Sa mga litratong nakita namin na kuha sa isang event na ginanap sa mismong mansion nina Manny at Jinkee sa Gen. Santos City kamakailan, mukhang hindi nga nawawalan ng bisita ang pamilya Pacquiao. Ang nasabing bahay ay tinatawag nilang “Mansion Number Two” dahil tatlo na nga ang mansion nina Pacman.
Yung una nilang mansion ay hindi na nila tinitirhan na itinuturing na rin ngayong tourist attraction sa GenSan. Ang ikatlo naman nilang property ay under construction pa hanggang ngayon.
pacman and sons

Sunday, June 5, 2016

Aljur umamin na: Nakaka-in love talaga si Janine




HINDI maitatanggi na may kakaibang bond nang nabubuo sa pagitan ng Once Again lead stars na sina Aljur Abrenica at Janine Gutierrez.
In fact, sinabi ni Aljur na hanga siya kay Janine dahil sa mga magagandang katangian nito, “Hindi naman natin maikakaila na ka-in-love-in love talaga si Janine. Wala naman akong nakikitang negative sa kanya.
“She’s very kind, tahimik, masarap siyang kasama. So, yeah, thankful ako na naging magkaibigan kami, at nagkatrabaho kami dito sa Once Again,” nakangiting sabi ni Aljur.
Pero hindi naman daw ibig sabihin ay liligawan na ni Aljur si Janine, alam naman daw niya na meron na itong boyfriend (Elmo Magalona) kaya okay na raw na magkaibigan sila ng dalaga.


Friday, June 3, 2016

Malditang female celebrity kailangan nang turuan ng leksiyon


PINAGPISTAHAN ng mga taga-showbiz sa isang coffee shop ang lutang na lutang na kamalditahan ng isang young actress.
Nagkakaisa sila sa pagsasabing magaling umarte ang hitad, magaling sumayaw, pero kalimutan na sana niya ang pagkanta hanggang makakaya niya.
Sa maraming pagkakataon ay palaging bumibida sa pagmamaldita ang young actress na ang ugat ay galing sa pamilya ng mga artista. Kung makaasta kuno ang girl ay akala mo naman napakarami na niyang napatunayan.
Hindi nila gusto ang pagiging maangas ng young actress, ang pagmamaldita sa kanyang mga kasamahan, kailangan na raw pitikin ng network na nag-aalaga sa kanya ang babaeng ito.
Kuwento ng isang source, “Sobrang feeling ang malditang babaeng ‘yun! Porke ba may mga projects siya sa network na nag-aalaga sa kanya, e, aasta na siya na para bang ka-level na niya ang malalaking artista?
“Tantanan niya tayo, ‘no! Huwag siyang nagmamaldita, dahil kulang na kulang pa ang mga ipinakikita niya! Sobra ang babaeng ‘yun, akala mo talaga kung sino na siya, napakarami pa niyang ipagigiling na bigas bago siya makapagmaldita ng ganyan!
“Kapag ayaw niya, walang magawa sa kanya ang mga taong rumerenda ng career niya. Sosyal siya, di ba? Ang iba ngang kaliga niya na meron nang napatunayan, e, hindi umaarte nang hindi tama!” naiinis na kuwento ng aming source.
Galing sa pamilya ng mga artista ang young actress na itey, pero kahit ang mga kamag-anak niya ay hindi natutuwa sa mga pinaggagagawa niya, nalunod na nga ba sa isang basong tubig ang hitad na ito?
Sundot ng aming impormante sa kanyang pagtatapos, “Bradly Guevarra, ang dali-daling hulaan kung sino siya. Kapatid niya ang sapin-sapin, akay-akay, bibingka at iba pang kakanin! Siya nga nga, blanca!”

Payo kina Luis, Cogie, John at Jake: Wag na wag papatol sa mga kalokahan ni Keanna



NAKIKIPAGSIKSIKAN naman sa pagpapakontrobersiyal ngayon ang tumatanda nang dating sexy star na si Keanna Reeves. Pero kung nagmamagaling si Mocha Uson at ipinaglaladlaran naman ni Ellen Adarna ang kanilang pagsasama ni Baste na anak ni Ka Digong ay iba naman ang atake ni Keanna.

Seksuwal kung seksuwal naman ang kanyang mga drama. Binanggit lang naman niya ang mga pangalan ng mga lalaking nakasama niya sa pagbiyahe sa langit-langitan ng kaligayahan.

Naniniwala siguro si Keanna sa batas ng osmosis, kailangang mga bagets ang nakakasalo sa kama ng babae, para mahigop niya ang kabataan ng lalaki.

Ang mga pangalang buong-ningning na ipinangangalandakan ngayon ng matanda nang sexy star —Luis Manzano, Cogie Domingo, John Prats, Jake Cuenca, Joseph Bitangcol at marami pa sigurong ibang pangalan na nakalimutan na lang banggitin ni Keanna dahil nagkakaedad na siya.

Ibang klase rin naman ang babaeng ito. Ang kanyang mga kabaro, hanggang maaari, ay hinding-hindi aamin sa kanilang pakikipag-one-night-stand dahil nakakahiya ‘yun.

Ang ganu’ng klase ng pakikipagtalik ay hindi maipagmamalaki dahil dikta lang ‘yun ng init ng libido at sakit ng puson at hindi ng puso.

Pero si Keanna Reeves, ipinagbabanduhan pa ‘yun sa buong mundo, wagas na wagas na ipinagsisigawan, para lang siya mapag-usapan. Ano kaya ang naiisip ngayon ng kanyang mga anak na puro lalaki pa naman?

Dapat lang na maging pipi at bingi ngayon ang mga artistang pinangalanan niya, huwag silang sasagot, dahil nag-iingay lang si Lola Keanna.

Panganay ni Pacman kamukha raw ni Zayn Malik ng 1Direction



IN fairness, mas maraming positive comments ang nabasa namin matapos i-post ni Sen. Manny Pacquiao ang litrato ng kanyang panganay na anak na si Jimuel Pacquiao.
Ayon kay Pacman, ito raw ang kauna-unahang photo shoot ng anak para sa first endorsement ng bagets. Kitang-kita sa mga lumabas na picture na nag-enjoy ang bagets sa kanyang pictorial suot ang purple polo shirt on top of a plain white shirt at khaki shorts.
Sa kanyang official Facebook page, ipinost ng proud na proud na tatay ang mensaheng, “My son @pacquiaoemmanuel doing his first photo shoot.”
Narito naman ang ilang komento ng followers ni Pacman sa social media: “Wow! Binata na sya!!! At gwapo pala si Emmanuel!”
“In fair, may dating ang bagets! Hindi nakapagtataka kung papasukin din niya ang showbiz! I’m sure proud na proud din si Jinkee sa kanyang son!”
“Good shot! Cge, hijo! Go for your dreams!”
“Pogi itong anak ni Manny Pacman, may pagkakahawig sila ni Zayn Malik ng 1Direction, lalo na pag my balbas.”
Pero siyempre, kung may nag-encourage sa panganay na anak ni Manny, meron ding nangnega sa binata. Talagang binash nila nang todo ang bagets na akala mo’y wala nang bukas.
Sabi nga ng isang mataray na netizen, “Para saan ang pictorial? Naku, nangangamoy na naman ang angkan nina Manny Jinkee at Dionisia! At ano naman ang ipagmamalaki niyan, aber? Mag-aartista? Aarte? Sus! Tigilan na nga ang kalokohang ‘yan. Pwede pa magboksing ka na lang din para may papalit sa trono ng tatay mo!”
Pang-ookray naman ng isa pang basher, “Utang na loob! Marami na kayong pera, wag nang makigulo sa showbiz. Mag-aral na lang kayong magkakapatid. Huwag nang ipilit ang sarili, please lang!”
















Polo na-shock, nag-init ang ulo nang murahin ni Baron sa harap ng dyowa


SUPER nakaka-relate raw si Polo Ravales sa naging experience ng indie actor na si Kiko Matos kay Baron Geisler.
Sa kanyang Facebook account, naglitanya ang dating Kapuso actor tungkol sa diumano’y pambabastos sa kanya ni Baron. Kasama raw niya noon ang kanyang girlfriend, kapatid at sister-in-law.
Kinontrol na lang daw ni Polo ang kanyang emosyon para makaiwas sa gulo dahil nga ayaw na niyang madamay ang kanyang pamilya. Narito ang kabuuan ng FB message ng aktor.
“My thoughts about baron…3 weeks ago i saw him in Starbucks Imperial and then when his GF told him, ‘There’s Polo oh…’
“Instead of saying hi to me he just gave me a bad sign. He said fu%@ you in front of my gf, my brother and his wife.
“At first nagulat ako, napikon and uminit ang ulo… di ko sya pinatulan kasi alam kong di siya normal. Ayoko rin naman magsisi sa huli baka di maganda ang mangyari.
“Sana may makatulong sa kanya. Di lahat ng tao kayang magkontrol. And then after 2 weeks, there’s this incident,” pahayag pa ni Polo na ang tinutukoy nga ay ang engkuwentro sa pagitan ni Baron at ni Kiko during a fundraising event na ginanap sa Tomato Kick Bar, sa Quezon City.
At dahil nga sa bakbakang Baron at Kiko, nakatakdang magbugbugan ang dalawang aktor sa isang MMA exhibition fight ng Universal Reality Combat Championship (URCC) sa June 25, iyan ay kung papayag ang mga ito na magkabati muna bago magharap sa ring.

Wala pang sagot si Baron sa mga naging pahayag ni Polo. Bukas ang BANDERA sa kanyang paliwanag para linawin ang isyu.