Monday, July 4, 2016

Kiray, Enchong game na game sa lampungan at halikan


WASAK na wasak ang audience sa kabaliwan at kaaliwan na dala nina Kiray Celis at Enchong Dee sa dumagsang manonood sa premiere night ng “I Love You To Death” nu’ng July 1 sa Cinema 7 ng SM Megamall!

Sobrang aliw kasi ang unang pagsasama sa movie ng Comedy Princess at Tsinito Prince mula sa simula hanggang sa wakas. Bawat labas ni Enchong, bawat lampungan nila ay bumubulwak sa sigaw, tili ang hiyawan ng crowd na nagsiksikan sa sinehan. Swak na swak ang chemistry nilang dalawa to the max.

Very happy si Enchong sa resulta sa takilya ng kanilang movie, “I think this is the perfect movie for my tenth film for my tenth anniversary. Nawalang lahat ang kaba ko nang mapanood ko ang pelikula,” ani Enchong. Bilib din ang binata sa galing ni Kiray sa movie, “No wonder, she’s being called the Comedy Princess. She lived up to the expectation dahil ang galing niya.”

For her part, sinabi ni Kiray na, “Masaya ako. Hindi namin ini-expect na ganoon kagaling si direk Miko (Livelo, the director). Lagi namin siyang inaasar. ‘Galingan mo, huh! Gandahan mo ito. Ayusin mo ito.’ Kasi parang magkakabarkda lang kami. Ang galing. Sobrang talino ni Miko.

“Ginawa namin ‘yung movie na ‘yon na parang lokohan lang. Tapos nagagalit pa kami kapag paulit-ulit. Pero maganda ang pagkakabuo,” sabi ni Kiray. Inamin din ni Kiray na feel na feel niya ang chemistry nila ni Enchong.

Sa totoo lang naman, walang inhibitions ang Chong-Ki loveteam sa kanilang lampungan at halikan. Maging sa mall shows na pinuntahan nila, wala silang arte sa pagpapaligaya ng mall goers dahil todo bigay rin sila sa kanilang harutan at landian sa stage.

Of course, bumilib ang mag-inang Mother Lily at Roselle Monteverde sa ipinamalas na galing ni Miko. Bago, fresh ang ideas niya at ang camera movements niya eh, plantsado. Alam din niya kilitiin ang gusto ng masa, huh!

Maging ang horror scenes ng movie ay nakakabilib. Hindi kasi ito predictable gaya ng ibang horror films at maganda rin ang special effects dahil hindi ito tinipid. Eh, magagaling din ang suportang ipinamalas nina Devon Seron, Michelle Vito, Trina Legaspi, Shine Kuk, Paolo Gumabao, Christian Bables, Dino Pastra at Nico Nicolas.

Sunday, July 3, 2016

Daniel, Kathryn sinugod ng mga fans sa Spain, pinagalitan ng mga pulis



HINDING-hindi malilimutan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang ilang araw nilang pagsu-shooting sa Spain para sa la-test movie nila under Star Cinema sa direksiyon ni Olivia Lamasan.

Kakauwi lang ng magdyowa sa Pilipinas galing Spain at balitang-balita na laging kinukuyog ang magka-loveteam ng kanilang mga fans kahit saan sila magpunta. Sinamantala rin ng KathNiel ang pamamasyal doon. “Nagkaroon kami ng off and hindi na nga namin kailangang umikot kasi du’n pa lang sa ginagawa naming movie e nakikita na namin yung buong Spain,” ani Daniel sa panayam ng ABS-CBN.

Kuwento pa ng binata, “Pag nanonood yung mga Filipino siyempre gustong tsumismis ng mga Espanyol…mababait naman ang mga Espanyol and ‘yung mga Fi-lipino hindi naman natin maiiwasang manood.

“Minsan kasi napapagalitan kami ng mga pulis dahil ang dami nila. So naano yung shoot namin kasi may oras lang yung shoot namin e,” dagdag pa ng aktor. Chika naman ni Kathryn, “Kasi yung permit baka bawiin sa amin kasi parang every day may time talaga kasi may mga sequence na kailangan siyang kunan, may plano.”


Maine sa relasyon nila ni Alden: Kung kami ang para sa isa’t isa, kami talaga!



AlDub payag magkaroon ng ibang ka-loveteam, pero....
NAPAHANGA kami ni Maine Mendoza dahil ang husay niyang sumagot sa mga tanong sa nakaraang presscon ng pelikulang “Imagine You And Me” ng APT Entertainment, M-ZET TV at GMA Films mula sa direksyon ni Mike Tuviera.

Sa Italy kinunan ang halos kabuuan ng movie bagay na nakadagdag ganda sa pelikula, ito na kasi ang uso nga-yon para pang-akit na rin sa manonood. Sabi nga ng ka-loveteam ni Alden Richards, “Yung mga sceneries, ang ganda po ng locations namin, isa po ‘yun sa highlights ng pelikula.”

Anyway, inamin ni Maine na sobrang pressure sila ni Alden sa una nilang pelilkula dahil hindi raw porke’t napuno nila ang Philippine Arena sa “Tamang Panahong” event ng Eat Bulaga ay hindi ibig sabihin na magi-ging kampante na sila sa “Ima-gine You And Me.”

“Hindi po mawawala ang pressure o ka ba talaga sa outcome ng movie kasi maski po kami kinakabahan talaga kung anong kalalabasan. Sigurado naman po ako na magiging maganda ito since maganda naman ang istorya at talagang pinaghirapan po ito nina direk at kami po lahat,” sabi ni Maine.

Sabi naman Alden, “Opo (pressured), sa lahat naman ng ganitong nangyari sa buhay ng mga tao especially po sa amin ni Maine as loveteam is after ‘Tamang Panahon,’ the second biggest break po of our loveteam. Excited po kami at kinakabahan kasi ang taas po ng expectation ng mga tao.” Hirit pa ni Maine, “At abangan n’yo po ‘yung twist ng pelikula kasi ‘yung sa trailer patikim pa lang po i-yon.”

Samantala, natanong si Maine kung okay lang bang i-partner sa iba si Alden, “Well, susuportahan ko naman po si Alden kung ano ang gagawin niya in the future after ng movie namin, susuportahan ko pa rin po siya kahit hindi ako ang kapartner niya.”

Kahit super sikat na ang AlDub loveteam ay hindi pa rin sila nawawalan ng bashers kaya ang tanong kung naapektuhan pa ba sila sa mga ito, “Well, sa akin ang lagi lang namang bina-bash sa akin ‘yung itsura ko, malaki ang bibig ko, malaki ang tiyan ko, na hindi ako makinis.

“Pero ‘yun, keri-keri lang ‘yun kasi Diyos ko, panlabas na itsura lang naman ‘yun.
Siguro ‘yung ano na lang, pag dinadamay ang family kasi wala naman silang kinalaman dito,” pahayag ni Maine. Diretsong tanong sa dalaga kung may relasyon na sila ni Alden dahil may mga couple’s ring at bracelet na sila, sagot ng dalaga, “Ay, hindi ko po isinusuot ‘yung bigay ni Alden, hindi ko po pinapakita.”

Ibinuking ni Alden na nawala raw ni Maine ‘yung bracelet niya na nakuha nila noong nag-birthday ang huli sa Boracay dahil kinain daw ng bibe sa isang park sa Italy. Seryosong sabi ni Alden, “Anything is possible naman. We’ll just go with the flow. If we’re bound to last 30, 50, 60 years, then it will happen.”

Sey naman ni Maine, “Ganu’n din po, lagi kong sinasabi, what’s meant to be will always find its way. Kung marami man po kaming pagdaanan ngayon, kung kami talaga, kami.” Samantala, hindi man diretsong inamin ni Maine, mukhang totoo ngang meron na siyang boyfriend dahil nu’ng tanungin siya kung in a relationship siya ngayon, hindi siya nakasagot nang diretso. Ang tanging nasabi niya ay, “Ahhh, tubig, tubig po (sabay taas ng baso)!”

Nadine inokray, binastos ng hairstylist; JaDine fans nagwala sa galit

NAG-APOLOGIZE ang isang hairstylist named John Valle sa fans ni Nadine Lustre matapos niyang bastusin ang aktres.
Nag-post kasi ng FHM Sexiest celebrities ang hairstylist which included Jennylyn Mercado, Jessy Mendiola and Nadine nga. Kaso, ginawa niyang blurred ang photo ng dyowa ni James Reid. Doon na nagwala ang JaDine fans. Lumabas kasing parang binastos ng hairstylist ang kanilang idol.
Na-pressure siguro itong si John kaya naman agad-agad itong nag-sorry. Ang alibi niya, gusto lang niyang i-highlight ang style niya kina Jessy and Jennylyn. Wala raw siyang intention na maka-offend kay Nadine o sa mga fans nito.
Gano’n?

2 member ng #Hashtag pasok sa bagong PBB

SHOCKED ang Hashtags members na sina Nikko Natividad at McCoy de Leon nang malamang napili silang housemates sa bagong season ng PBB.

“Alam kong hindi lingid sa inyo na magbubukas na ang aking bahay at sa pagkakataong ito, ipinapaalam ko na mgacelebrities ang unang papasok sa aking bahay,” ang mensahe ni Big Brother. “Kayo ang magiging kinatawan ng inyong grupo sa loob ng aking bahay kaya ka-yong dalawa ay magiging isa.

“Hahshtags, alam ko may mga trabaho pa kayong kailangan gampanan. Kaya binibigyan ko lang kayo ng 48 hours para tapusin ang mga kinakailangan. Sana ay matapos kayo bago ang itinakdang oras,” ang bahagi pa ng mensahe ni Big Brother na binasa ni Mariel Rodriguez sa Showtime.

Magsisimula na sa July 11 ang new season ng Pinoy Big Brother.

I Love You To Death’ nina Enchong at Kiray binigyan ng PG-13 ng MTRCB



NAPANOOD namin ang “I Love You To Death” nina Enchong Dee at Kiray Celis sa advance screening nito sa SM Megamall cinema 7 noong Biyernes at talagang tawang-tawa kami sa kuwento nito and at the same time, natakot din kami sa mga nakakagulat na eksena.
Hindi namin nasimulan ang pelikula kaya sisiguruhin namin na mapanood ito Hulyo 6 na binigyan ng MTRCB ng Rated PG-13 dahil sa ilang maseselang eksena. Sobrang in-love sina Tonton (Enchong) at Gwen (Kiray) sa isa’t isa na nangakong magmamahalan hanggang kamatayan. Hindi naman alam ni Kiray na talagang patay na ang kanyang fiancé.
Laking gulat ni Kiray kasama ang mga kaibigan na pinapupunta sila ni Tonton sa bahay nito sa isang malayong lugar para magpakasal na sila. Ang ganda ng kasal na ginanap sa bundok, katulad ito ng isang eksena sa pelikulang “Twilight” nina Robert Pattinson at Kristen Stewart.
Pero ang nakapagtataka walang pamilya o kaibigan si Tonton na dumalo sa kasal kaya dito na nagduda ang mga kaibigan ni Gwen. In fairness, napatawa uli kami ni Kiray tulad din sa last movie niyang “Love Is Blind”, magaling naman talaga kasi ang timing ng komedyana kaya sabi nga namin, puwede na siyang tawaging Comedy Princess.
Morbid ang mga eksenang pagpatay ni Enchong kaya tama lang na bigyan ito ng PG-13 rating. Grabe ang reaksyon ng mga tao sa sinehan, tumatawa at nagagalit ang mga ito dahil nga itong si Kiray, natatakot na, pero nakakatawa pa rin ang pinagsasabi habang hinahabol ni Enchong.
Ang saya-saya ni Mother Lily Monteverde na producer ng “I Love You To Death” at ng direktor na si Mico Livelo dahil sa magagandang komento ng mga nanood. Binati rin ng press si Kiray dahil posibleng maging another hit na naman ito ng Regal Films. Showing na sa Hulyo 6 ang I” Love You To Death”.

Angel isinumpa: Gagapang na parang ahas, mawawasak ang career



OO nga, totoo ang maraming obserbasyon, ramdam na ramdam ang pagiging malagihay ng career ngayon ni Angel Locsin. Wala siyang ginagawang proyekto sa ABS-CBN, napag-iwanan na siya ng kanyang mga kasabayan, kapag nagtagal pa ang ganyang sitwasyon ay hindi na nakapagtataka kung mahirapan na siyang makahabol.
Ano na ang nangyari sa career ng dalaga? Bakit mukhang binabalagoong na siya sa Dos? Bakit malagihay na ang presensiya niya ngayon sa telebisyon at pelikula? Wala bang makitang tamang proyekto para sa kanya ang Dos at ang Star Cinema? Nagkaroon ba ng problema sa kanila ng mga ehekutibo ng network kaya nagkakaganyan na ang career niya?
Isang source ang nagbulong sa amin, “Para kasing may sumumpa sa kanya. Masyadong nasaktan ang taong ‘yun sa ginawa niya. Ang kuwento, nagbitiw raw ang taong ‘yun ng sumpa! “OA naman ang kuwentong gagapang siyang parang ahas, hindi totoo ‘yun, pero ang sabi ng taong sinaktan ni Angel, e, hindi uusad ang career niya. Kilala ni Angel ang taong ‘yun, bakit kaya hindi siya makipag-usap para matuldukan na ang sumpa na nagiging sagabal sa career niya?” sabi pa ng aming kausap.
Totoo man o hindi ang kuwento ay hindi na mahalaga. Ang kasalukuyang takbo ng kanyang karera ang mas nakakaalarma. Milya-milya na ang layo kay Angel Locsin ng mga kasabayan niya.