Thursday, March 31, 2016

Alex bugbog-sarado sa bashers: Nakakabwisit ang kaartehan mo!


NAKALMOT pala ni Alex Gonzaga si Luis Manzano kaya naman naimbyerna ang fans ng TV host.
Ipinost ni Luis ang braso niyang may kalmot at nagpaliwanag naman si Alex na nagpa-planking siya nang ilagay sa bibig niya ang basang T-shirt ni Luis kaya nakalmot niya ang binata. Kaso, siya ang napuruhan sa comments sa isang popular website.

“To Cathy Bakya, bilog ang mundo, matutong mapagkumbaba bawasan ang pagka maldita. Totoo naman annoying ka bawasan ang arte ng unti,” say ng isang fan.
“Di ko magets talaga bat binibigyan pa ng project ng ABS tong si Alex. sobrang nakakainis sa pagkaOA.
Akala niya nakakatuwa sya. pareho lang sila ni Luis,” say naman ng isa pa.

May ilang bashers naman ang nagsabi na mas gusto pa rin nila si Toni Gonzaga kesa kay Alex dahil hindi ito kasing-OA niya. At di hamak daw na mas magaling na TV host at aktres ang wifey ni Direk Paul Soriano kesa kay Alex.


Sunday, February 14, 2016

Maine kay Alden: Hindi ko kailanman pinlano na magkagusto sa yo!


alden richards

MARAMING fans nina Maine Mendoza at Alden Richards ang naniniwala na mukhang totohanan na ang nararamdamang pagmamahal ng magka-loveteam para sa isa’t isa at hindi na aktingan lang.
Ito rin ang feeling ng mga Dabarkads ng Eat Bulaga ma-tapos ang nakakakilig at nakaka-inspire na Valentine date ng AlDub sa nakaraang episode ng kalyeserye last Saturday.
Sabi nga nina Wally Bayola (Lola Nidora) at Allan K kina Alden at Yaya. Dun mukhang hindi na aktingan ang ginagawa ng dalawa dahil parang tinototoo na ng mga ito ang kanilang love story sa kalyeserye.
Feel na feel daw kasi ni Maine ang pagbabasa sa ginawa niyang tula para kay Alden, bilang regalo niya sa binata para sa pagdiriwang nila ng Valentine’s Day.
Sabi pa ni Yaya bago basahin ang tula sa Eat Bulaga, “Kagabi ko lang ito ginawa. Totoo ‘to ha!” na talagang ikinakilig ng AlDub Nation.
Para sa mga nagre-request, narito ang kabuuan ng tula ni Maine para kay Alden kung saan ibinuhos ng dalaga ang kanyang tunay na nararamdaman para sa binata.
“Sino ka nga ba? At paano mo masasabi na ikaw ay naiiba? Ano nga ba ang papel mo sa mundong ito? “Ano nga rin ba ang papel mo sa buhay ko? Iyan ang mga bagay na tinatanong ko sa aking sarili.
“Madalas nga ay hindi ako mapakali. Sa dami ng bu-mabagabag sa aking isip. “May mga oras na sumasakit na ang aking dibdib. Sabi ng iba ay hindi ikaw ang karapat-dapat. Humanap daw ako ng iibig sa akin nang sapat.
“Kaya dapat daw akong maging maingat. Pero sino ba sila para magdikta kung sino ang karapat-dapat? “Inaamin kong ako’y takot mahulog sa isang tulad mo. Ngunit alam ko na darating ang araw na kinatatakutan ko.
“Pero ano nga ba ang magagawa ko. Tila ang loob ko’y unti-unting nahuhulog sa ‘yo. “Tinatanong ko ang aking sarili kung ikaw ba’y aking gusto.Ngunit ang isip ko’y nagsi-mulang magtalo. Maaaring hindi ang bulong ng isipan ko.
“Pero narararamdaman ko na sigaw ng puso ko ay oo. May mga oras na isip ko’y gulung-gulo. “Sapagkat hindi ko na malaman alin ba ang totoo. Hindi ko kailanman pinlano na magkagusto sa ‘yo.
“Hindi ko din alam kung tama bang sundin ang puso ko. Alam mo ba na mahirap kang basahin. “Kaya tila bang kay hirap mong mahalin. Sa takot na hindi mo ko kayang saluhin.
“Ayos lang basta kailanman wag mo akong lolokohin. Ninanais kong malaman ang tunay na nilalaman ng puso mo. “At magbakasakali kung pangalan ko ba ang sinisigaw nito. Nais kong malaman ang tunay kong halaga sa ‘yo.
“Pero ako ay natatakot na malaman ang totoo. Tila sa puso ko’y ikaw lang ang tanging nakikita. “Dapat na bang aminin a-king sinta? Tama bang sabihin sa iyo? Tamang panahon na lang ang hinihintay ng puso ko.”
As expected nag-trending topic ang Valentine date ng AlDub last Saturday na nagsimula sa isang road trip. Si Alden mismo ang nagmaneho ng sasakyan habang katabi niya sa passenger’s seat si Yaya Dub.
Sa may overlooking area ng Taal Vista Hotel sa Tagaytay dinala ni Alden si Maine kung saan may naka-set up na table para sa kanilang dalawa.
Dito na nga binasa ni Yaya ang kanyang tula kay Alden na talaga namang patok na patok.sa kanilang mga tagasuporta. Pero mas kinilig pa ang AlDub Nation nang muntik halikan ni Alden si Maine sa lips.
Mabilis namang kumalat sa social media ang mga litratong kuha sa Valentine date ng dalawa kabilang na ang mga larawang mismong ipinost nina Alden at Maine sa kanilang social media accounts.



Monday, January 25, 2016

Andre mas feel dyowain si Barbie kesa kay Yassi



MALIIT na bagay,” ang pabaklang sey ni Barbie Forteza nang mag-thank you kami sa ibinigay niyang mug mula sa Starbucks bilang bahagi ng kanyang loot bag para sa members of the press.
“Marunong ka na talaga. Ikaw na!” ganting tsika namin sa gesture ng halos hindi nababakanteng young star ng GMA 7. After kasing tumakbo ng halos two years sa ere ang The Half Sisters, agad-agad siyang bibida kasama ang ka-loveteam niyang si Andre Paras sa primetime series na That’s My Amboy.
“When it rains it pours po talaga. Kaya mas sisipagan ko pa po,” sey ng bungisngis na si Barbie na umaming masayang mag-share ng “maliliit” na bagay sa mga taong walang sawang sumusuporta sa kanya.
Very grateful si Barbie sa pagtitiwala sa kanya ng network at masaya rin siyang well-admired and followed ang tandem nila ni Andre kahit pa sa nga may iba pa itong ka-loveteam bukod sa kanya.
“Ganu’n po talaga. Thankful na rin ako na mature na ang mga fans namin. Paano na lang kung hindi kami klik, baka kahit yema ay wala akong maibigay sa inyo,” ang muling hagikhik ng dalaga sabay hirit na matagumpay nga ang “yema business” na pinuhunanan niya with her mom and aunt lalo na raw noong nakaraang holidays.
Abangan daw natin ang susunod na business venture na papasukin niya at ang kakaibang Barbie na magpapatawa at magpapaiyak sa atin sa That’s My Amboy na nagsimula na kahapon sa GMA Telebabad.
Yes, nag-level up na nga ang AnBie loveteam dahil after nilang maging hari at reyna sa hapon dahil sa tagumpay ng Half Sisters susubukan naman ang powers nila sa primetime.
“Mature at matatalino na po sila,” sagot naman ni Andre Paras sa amin hinggil sa pagtanggap ng kanyang fans sa tandem nila ni Barbie sa TV at sa loveteam nila ni Yassi Pressman sa movies.
Kaya nga raw maingat sila sa pagtanggap ng mga project dahil dito, “We see to it that every project is different and every detail of our character is made as almost tailored or fit sa amin.
Halimbawa po, pag ang role ay na-identify na sa isa, dapat iba na yung sa isa. Salamat naman po that it works well dahil maganda ang reception ng audience,” paliwanag ng batang aktor na isa nga sa pinakamatagumpay ngayon sa bakuran ng GMA 7.
Sunod-sunod din ang projects ni Andre sa pagsisimula pa lang ng 2016. Lucky nga raw siya dahil on both TV and movies ay sinusuportahan siya ng publiko. Very soon nga ay ipalalabas na rin ang “Girlfriend for Hire” movie niya with Yassi under Viva Films.
Kaya naman nang itanong namin kung sino between Barbie and Yassi ang talagang nagpapakilig at nagbibigay ng saya sa kanya, “Magkaiba man sila pero one for thing is for sure, sila yung papangarapin mong makasama talaga.”
Pero sa isang banda, nagbigay siya ng clue na since mas matagal ang TV show kesa sa movie, mas nagtatagal daw ang kilig at saya with someone like Barbie. Meaning mas posibleng maging sila ni Barbie in real life!

Jasmine nilandi, hinalikan ng BF ni Anne; netizens nandiri



Kaagad na dinelete ni Jasmine Curtis ang isa niyang photo kung saan kini-kiss siya ng boyfriend ng kanyang ate Anne Curtis na si Erwan Heussaff. Sa photo ay parang niyayakap siya ni Erwan sabay kiss sa kanya. Apparently, it was taken during a pool party.

Aware siguro si Jasmine na hindi magiging maganda ang interpretation ng netizens sa photo niyang iyon as it captured her in a sweet moment together with her sister’s boyfriend kaya naman tinanggal niya iyon kaagad sa kanyang Instagram account.

But it’s too late as the photo surfaced in one popular website. Ayun, nega ang reaction ng mga tao sa kanila ni Erwan. “OMG ano ito?!? Too close at wala talagang shirt si Erwan?!” “Liberated ba Kamo? LOL! Ito dapat sampalin ni Momi Ann.”

“At kiniss pa talga nung boylet. Lakas makajowa nga graveh. Kung ako gf magagalit ako. May kilala akong ganyn magkapatid tinuhog. Hahaha.” “Kahit ano pang lahi inappropriate yan. Nakakadiri.”

Baka naman talagang close lang sina Jasmine at Erwan dahil matagal na rin namang magdyowa ang ate niya at ang brother ni Solenn Heussaff.

Parang balewala na lang sa kanila ang mga landiang ganyan dahil parang magkapatid na rin ang turingan nila.

Friday, January 22, 2016

Bashers nina Alden at Yaya Dub natameme; unang Aldub library sa Laguna bukas na


SINO ngayon ang magsasabing puro kilig at tili lang ang pakinabang sa tambalan nina Alden Richards at Maine Mendoza?
Wala raw namang saysay ang AlDub, mga bulag lang daw ang kanilang mga tagahanga, kaya sinasabing penomenal ang kanilang pagsikat.

Nu’ng nakaraang Huwebes ay pinasinayaan na ng sikat na loveteam nina Alden at Yaya Dub, Lola Nidora at Lola Tinidora ang pinakaunang AlDub Library sa Lumban, Laguna.

Isa pa lamang ito sa maraming benepisyaryo ng “Tamang Panahon” ng Eat Bulaga at kalyeserye na ginanap sa Philippine Arena na nakalikom nang mahigit na apatnapung milyong piso.

Unang nabiyayaan ang Lumban Central Elementary School, hinandugan sila ng school library ng AlDub, kaya mula sa pusong pasasalamat ang itinatawid ngayon ng pamunuan ng nasabing paaralan sa penomenal na tambalan, sa noontime show at sa AlDub Nation, na ginawang posible ang pangarap ng Eat Bulaga na makapag-ambag ng library sa maraming paaralan.

Ang kanilang sigaw, “Ito na ang tamang panahon para magbasa,” kumpleto sa mga computer at librong kailangan ng mga mag-aaral ang unang AlDub library.
Mabuhay ang Eat Bulaga! Mabuhay ang tambalang AlDub, mabuhay ang AlDub Nation, mabuhay ang lahat ng mga kababayan nating sumuporta sa proyektong ito ng noontime show.

Dahil sa kadakilaan ng kanilang puso ay mas maraming kababayan natin ngayon ang nagdarasal na sana’y magtagal pa ang tambalan nina Alden Richards at Maine Mendoza.


Joross ‘no comment’ sa kumalat na sex video



NO comment!” Ito lang ang naisagot ni Joross Gamboa nang tanungin tungkol sa kontrobersiyal na sex video na kumalat kamakailan.

Sa panayam ng ABS-CBN sa aktor, tumanggi itong magpaliwanag sa nasabing video scandal. Wala rin daw siyang gustong sabihin sa mga taong nakapanood at nagbibigay ng kanilang mga komento tungkol dito.

Nakabalik na sa bansa si Joross matapos ang ilang araw na bakasyon abroad kasama ang kanyang asawa at anak. Nasa ibang bansa siya nang kumalat ang sinasabing sex video kung saan mapapanood ang isang lalaking kamukhang-kamukha niya habang pinapaligaya ang sarili.

Ayon sa naunang mga ulat, aware si Joross na pinag-uusapan siya sa buong universe matapos ngang mag-viral ang nasabing video. Marahil, nagdesisyon na ang pamilya ng aktor na huwag nang mag-explain in public para hindi na humaba pa ang kontrobersiya.

Samantala, pagkabalik ng Pilipinas, sumabak agad sa trabaho ang aktor, mapapanood si Joross ngayong gabi sa isa na namang espesyal na episode ng Maalaala Mo Kaya kasama ang dati niyang girlfriend na si Roxanne Guinoo.
Gagampanan ni Joross ang karakter ng isang transgender woman na mai-in love sa asawa ni Roxanne to be played by Polo Ravales. Ang nakakaloka sa episode na ito ng MMK, pumayag si Roxanne na tumira sa iisang bahay kasama ang transgender lover ng kanyang asawa.

“Parang ang dating nito ay reunion namin dalawa. Kung before, magka-love team kami, ngayon magkaribal kami,” chika ni Joross sa panayam ng ABS.



Claudine nakiiyak sa pagkawasak ng pamilya ni Ciara: Ramdam na ramdam ko ang sakit!!!



AWANG-awa at nakiiyak din si Claudine Barretto sa pagkawasak ng pamilya ng kanyang kaibigan na si Ciara Sotto. Nakipaghiwalay daw ang anak ni Sen. Tito Sotto kay Jojo Oconer nang mabuking nito ang pambababae ng asawa.

Naging malapit sa isa’t isa sina Ciara at Claudine nang magkasama sila noon sa programang Buttercup ng ABS-CBN noong 2003. Narito ang mensahe ni Claudine kay Ciara.

“I just want to honor this great friend & sister of mine Ciara Sotto. I can imagine the amount of pain u have to go through every single day. U r one of the best person I know in this world & it pains me that u have to go through all these.
“Know that I have your back & will hold ur hand & we will get through this together. Gods plan r better than ours he sees & feel ur pain. I luv u so much @pinaypole #sistersforlife. Claudinians & I are here for you.”

Sumagot naman si Ciara ng, “Waaaaaaaaaaah Clau…..Ayoko na umiyak but thank you. Always remember that I love you.” Na sinagot naman ni Claudine ng, “@pinaypole, I couldnt stop crying for u.
I’m devastated. I see u this week. Let’s do something. I luv u Ciara.”

Dalawa ang pangalang lumutang na sinasabing posibleng dahilan ng paghihiwalay nina Ciara at Jojo.
Una nang napabalita na may kinalaman daw ang Sunday PinaSaya star na si Valeen Montenegro sa nasabing break-up pero itinatanggi na ito ng kampo ng dalaga.
Ngayon naman ay may tsismis na baka raw si Julia Clarete ang dahilan ng hiwalayang Ciara-Jojo dahil bigla nga itong nawala sa Eat Bulaga. Nasa Kuala Lumpur, Malaysia na ngayon si Julia kasama ang kanyang pamilya.

May mga followers si Julia sa social media na nagtatanong kung totoo ang tsismis pero hanggang ngayon ay hindi pa sumasagot ang dating host ng Eat Bulaga. May one night concert si Julia next week dito sa Manila, baka doon magsalita na siya tungkol sa ahasan issue. Hintayin na lang natin.