Tuesday, June 28, 2016

Ediie Villayor 56, pumanaw na ang bunsong kapatid ng Superstar



Pumanaw na ang bunsong kapatid ni Nora Aunor na si Eddie 'Buboy' Villamayor kaninang bandang alas-kuwatro ng madaling-araw, June 27.

Siya ay 56 years old.

Matagal na naratay sa FEU Hospital si Eddie pagkatapos niyang ma-stroke noong July 2015.

Matatandaang nito lamang Mayo ay naghayag ng kanyang saloobin si Nora tungkol sa hindi diumano pagdalaw ng kanyang mga anak sa kanilang Tito Buboy, na matagal nang nakaratay sa ospital.
Read: Nora Aunor disappointed with children for not visiting their sick uncle

At pagkalipas lamang ng ilang linggo ay tuluyan na ngang binawian ng buhay ang kapatid ng Superstar.

Ibuburol ang mga labi ni Eddie sa Loyola Columbary, sa Commonwealth, Quezon City, simula mamayang gabi.

Nagpaabot na ng kanilang pakikiramay ang ilang mga kasamahan niya noon sa industriya; kabilang na ang '70s matinee idol na si Arnold Gamboa at ang dating entertainment columnist na si Baby K. Jimenez.

Lingid sa kaalaman ng marami, si Eddie ay naging child star at teen star noong dekada '70.

Ilan sa mga pelikulang nagawa niya ay ang Banaue (1975), Alkitrang Dugo (1975), at Minsa'y Isang Gamu-gamo (1976).

Gumanap na magkapatid sina Nora at Eddie sa Minsa'y Isang Gamu-gamo, kung saan binitawan ng Superstar ang classic line niyang 'My brother is not a pig...' matapos barilin ng sundalong Amerikano ang karakter ni Eddie dahil napagkamalang baboy-ramo. Naging makulay rin ang buhay pag-ibig ni Eddie dahil sa pagkakaugnay niya noon sa dating ka-love team na si Winnie Santos, isa ring sikat na teen star noong '70s at nakababatang kapatid ng Star For All Seasons na si Vilma Santos.

Sinasabing maraming hindi sang-ayon sa pag-iibigan nina Eddie at Winnie dahil sa matinding kumpetisyon noon ng kani-kanilang mga kapatid.

Sina Eddie at Winnie ay naging bahagi ng Apat Na Sikat, na kinabibilangan din nina Maribel Aunor at Arnold Gamboa.

Kalaunan ay pinalitan si Eddie ni Dondon Nakar.

Thursday, June 23, 2016

Janice de Belen takot na takot ‘makipag-sex’ kay Liza Diño


LAST pala kinunan ang love scene nina Liza Diño at Janice de Belen for “Ringgo The Dog Shooter” where they play lesbian lovers.

“Nakikita ko sa kanya ang discomfort. And when I felt na she’s comfortable with that ay nag-usap kami, nagkukuwentuhan kami. Ikinukuwento ko sa kanya ang relationship namin ni Aiza para kahit paano ay malaman niya,” say ni Liza.

Aminado naman si Janice na she keeps postponing the shooting of the love scene as she wasn’t ready during that time.

“Gawin na natin ‘to. Bahala na,” say ni Janice.

Alas kuwatro na ng madaling-araw nang gawin nila ang love scene. That was the most daring scene that Janice did in a movie.

“Parang wala naman,” sagot ni Janice when asked kung there was a time na may nanligaw sa kanyang tomboy.

“I think the hardest part, as I expressed my discomfort and nervousness, ang worry ko is how I would make Liza feel comfortable kasi hindi siya ito, ako talaga ito. Ako talaga ang may problema,” say ni Janice

Wednesday, June 22, 2016

Team Dingdong-Marian may babala sa mga nagpo-post ng litrato at video ni baby Zia



BAWAL na palang mag-post ng video ni Baby Zia, anak nina Marian Something and Dingdong Dantes.

We chanced upon this message on the Instagram of Team Marian which said, “IMPORTANT REMINDER: Please be advised to always err on the side of caution when using Baby Zia’s pictures online. While apps are cute and fun, ask yourself first if they’re appropriate for a 6 month old baby. Thank you for your cooperation and understanding on this matter.”

The caption said, “PLEASE READ and take caution. Marian would appreciate it if you remove some of the recent videos posted on social media with Baby Zia’s face on them. Thank you.”

We don’t know kung bakit nag-impose ng ganitong sanction ang Team Marian but we totally understand where they are coming from.

Xian Lim isinugod sa ospital matapos malason


ISINUGOD sa ospital ang Kapamilya hunk actor na si Xian Lim kamakalawa ng umaga.

Mismong si Xian ang nag-post sa kanyang Instagram account ng kanyang litrato habang nakahiga na kuha sa loob ng ospital. Sey ng rumored boyfriend ni Kim Chiu, nag-post siya ng ilang photos sa IG habang nasa ospital dahil bihira raw siyang magkasakit at maospital.

Balitang bigla na lang sumakit ang katawan, nilagnat at nahilo ang binata sandi ng food poisoning. Hindi naman sinabi ni Xian kung ano ang nakain niya bago naganap ang pagsakit ng kanyang tiyan at katawan.

“So…This happened…#kailanganIpostDahilminsanlangto #anongnangyari #umiikotpaninginko #painlevelfrom1-10feelingko7.5!” ang nilagay na caption ni Xian sa isang litrato na ipinost niya sa IG.


Cedric Lee tinuluyan si Vina, kinasuhan ng 5 counts of libel


FIVE counts of libel ang isinampa ni Cedric Lee laban sa ina ng kanyang anak na si Vina Morales. Tinuluyan na nga ng negosyante ang kanyang ex-girlfriend at pormal nang naghain ng demanda sa Office of the Provincial Prosecutor sa Cabanatuan City, Nueva Ecija, nitong Lunes nang hapon.


Ayon sa report, itinanggi ni Cedric ang lahat ng paratang ni Vina sa kanya, kabilang na ang sapilitang pagtangay sa anak nilang si Ceana sa loob ng siyam na araw. Hindi rin daw totoo na nagka-trauma ang bata matapos manatili ng ilang araw ang bata sa kanyang pangangalaga.

Desidido si Cedric na ipaglaban ang mga karapatan niya sa anak at mapatunayan sa korte na puro kasinungalingan ang pinagsasabi ni Vina laban sa kanya. Bukod dito nakatakda ring magsampa ngayong araw ng isa pang libel case sa Caloocan City si Cedric, pati ang kapatid na si Bernice Lee, laban kay Vina.

Sa huling panayam kay Vina sa nakaraang presscon ng seryeng Born For You sinabi nitong bahala na ang kanyang abogado sa mga libel case na isasampa ni Cedric Lee. Handa raw siyang lumaban para sa kapakanan ng kanyang anak.

Sunshine kinasuhan na ang asawa at ang bago nitong dyowa: Walang pata-patawad!



KINASUHAN na ni Sunshine Dizon ng R.A. 9262 ang kanyang mister na si Timothy Tan. Dagdag na asunto rin ang concubinage at kasama niyang kinasuhan ang babaeng sinasabi niyang kinasama ng kanyang mister sa mismong gusali kung saan din sila nakatira ng kanyang mga anak.

Ang pagpo-post ni Sunshine ng mga saloobin niya sa social media ay nauwi na nga sa korte, tinotoo ng aktres ang kanyang sinabi na magkikita-kita sila sa husgado, pero nilinaw ng kanyang abogado na wala pa sa kanyang plano ang pagpapawalang-bisa sa kasal nila ni Timothy Tan.

Nakakagulat ang rebelasyon na laman ng salaysay ni Sunshine. Nasa 9th floor sila ng kanyang mga anak, pero nasa 12th floor lang pala ang babae at ang kanyang mister, hindi man lang daw inilayo ni Timothy ang paggawa ng milagro.

Ngayon ay matindi ang paninindigan ni Sunshine na ilalaban niya ang kanyang karapatan bilang legal na misis, kasama rin sa pakikipaglaban niya ang dalawa nilang anak ni Timothy Tan na ayon sa aktres ay ninakawan ng malasakit at pagmamahal, wala sa kanyang bokabularyo ngayon ang pagpapatawad.

Sabi sa amin ng kaibigan ni Sunshine Dizon na may malalim na alam sa kuwento, “Awang-awa ako kay Sunshine, tine-trace pa niya kung nasaan ang babae, ‘yun pala, e, nasa mismong building lang kung saan sila nakatirang mag-iina.” Sino nga naman ang mag-aakala na nasa tabi lang pala ng simbahan ang pasugalan?

Wednesday, June 15, 2016

Jessy nilaglag si Nadine sa FHM Sexiest poll



NADINE Lustre out! Jessy Mendiola in! Nalaglag na nga ang girlfriend ni James Reid sa latest result ng online poll para sa “FHM 100 Sexiest Women in the World 2016.” Base sa inilabas na report ng nasabing men’s magazine, nangunguna na sa bilangan si Jessy at nasa second spot na si Nadine.

Nasa ikatlong puwesto naman si Jennylyn Mercado, na itinanghal na sexiest woman last year. Nananatiling nasa number 4 spot si Angel Locsin at ikalima naman si Rhian Ramos.

Feeling namin, malaki ang naitulong ng mga sexy photos na ipinopost ni Jessy sa kanyang IG para manguna siya sa latest survey. Halos araw-araw nagpo-post ang Kapamilya actress ng kanyang bikini bod na talagang ipinaglalaway ng kalalakihan.