HINIKAYAT ng Once Again lead star na si Janine Gutierrez na maging kalmado at maging masusi sa pagpili ng kandidato para sa nalalapit na eleksyon 2016.
Aniya, hindi kailangang makipag-away ng isang botante para lamang ipagtanggol ang kanyang sinusuportahang kandidato. “I admire how people seem to be more passionate now sa election na ito at sa pag-defend sa mga candidate nila. Pero siyempre, kailangan kapag ganu’n, yung tamang discourse.
“Hindi yung palaaway, hindi yung nagmumurahan, hindi yung memes na nakakalurkey. It always has to be a serious discussion kasi ang pinag-uusapan yung future ng bansa,” dagdag pa ng magandang aktres. Samantala, kung walang diretsong tinukoy si Janine kung sinong kandidato sa pagkapangulo ang iboboto niya sa May 9, walang pag-aalinlangan namang sinabi ni Aljur Abrenica na si Rodrigo Duterte ang ihahalal niya sa darating na eleks-yon.
“Dahil naniniwala po ako na sa panahon na nga-yon at sa leadership niya, siya po ang makakapagbigay ng kabutihan sa lahat ng tao dito sa Pilipinas,” ang chika ng leading man ni Janine sa bagong teleserye ng GMA na Once Again na mapapanood na sa Telebabad block.
Ipinagtanggol pa nga nito si Duterte sa mga Pinoy na na-offend sa rape joke ng kandidato tungkol sa isang Australian rape and murder victim. “Kasi sa rape joke po niya, ang kailangan po na-ting tingnan diyan is yung pangyayari. Joke lang naman po yun, salita lang po yun.
“Ang importante yung resulta ng ginawa niya, ng justice sa pangyayaring yun. At saka yung joke na yun, nangyayari po sa ating lahat yan, kahit nga po tayo. Kahit nga po ako, aaminin ko, nagdyu-joke din po akong ganyan, sa maseselang mga bagay,” ayon sa binata.
Hirit pa nito, “Yung pagbibiro lang po sa mga maseselan na sitwasyon. Pero kasi sa akin, salita lang po ‘yan, e, ang importante yung ginagawa natin.” Tinanong din si Aljur kung may plano rin ba siyang sumabak sa politika dahil puna ng ilang reporter parang politician na rin siyang magsalita, “Wala po, wala po. Salamat, salamat naisip niyo po akong magpulitiko. Pero wala po akong plano dahil wala po akong alam diyan, e!”