Tuesday, April 5, 2016

Sweet umamin…elyang-elya kay Alex Medina



NAELYA talaga ako kay Alex Medina! Grabe!” Ito ang inamin ni John Lapus matapos silang maghalikan at mag-sex para sa horror-comedy film na “Echorsis”.

Ayon kay Sweet, “Magpakatotoo na tayo, oo, naapektuhan ako sa bed scene namin ni Alex, oo, may naramdaman ako habang ginagawa namin ‘yun at oo, yung nakita n’yo sa kumalat niyang litrato, totoo ‘yun!”

Ang tinutukoy niya ay ang photo scandal ng aktor kung saan kitang-kita ang kanyang pagkalalaki. Sey ni Sweet, talagang may ipagmamalaki si Alex kaya hindi raw dapat itong mahiya.

Pagkatapos ng ginanap na celebrity screening ng “Echorsis” na dinaluhan ng buong cast at ng mga producer ng movie headed by Chris Cahilig, nakachikahan namin si Sweet at dito nga niya ikinuwento kung paano siya naglaway-laway kay Alex Medina.

Isang lalaking pahada sa mga bading ang role ni Alex sa movie, pero niloloko niya ang mga ito para lang makapanghuthot dahil balak na niyang pakasalan ang kanyang girlfriend. May bed scene siya kasama si Sweet at meron din siyang intimate scene kasama si Negi, ang gay comedian na sumikat sa Gandang Gabi Vice.

Ayon kay John, talagang naloka raw siya sa mga eksena nila ni Alex, palaban daw kasi ito sa hubaran dahil tumanggi raw itong mag-plaster, “Wala naman daw siyang malisya sa akin, kaya hindi na siya nag-plaster. Eh ang nakakaloka, ako ang tinelagan (na-arouse)! Ha-hahaha!”

Matapos ang nasabing eksena tumakbo agad si Sweet sa banyo para magpakalma, “Ang hirap, kasi type ko naman talaga si Alex. Si Alex kasi ang tipo ng lalake, na hindi kaguwapuhan, pero hindi rin pangit. Pero, bet na bet ng mga beki. Ang kaguwapuhan ni Alex, pambakla talaga.

“So, pasok na pasok siya sa akin. Eh, sa movie, ang sweet pa niya sa akin. Hinahalik-halikan talaga niya ako.
“Yung mga eksena namin, pinutol na nga, kasi si Alex, game na halikan ako sa lips. Tapos, may mga eksena talaga na bukol na bukol ang notes niya. Ang hirap ng sitwasyon ko. Muntik ko na talagang hindi kayanin!” kuwento pa ng komedyante.

Marami raw mga eksena sina Sweet at Alex sa movie na naputol dahil hinabol nila ang MTRCB rating na PG-13 para mas marami raw bagets ang makapanood. Sey nga ni Sweet, patuloy daw na dumarami ang mga batang beki ngayon kaya naniniwala siya na kapag nanood lahat ang mga ito, tiyak na blockbuster ang “Echorsis”.
In fairness, nakakatawa talaga ang “Echorsis”, kung nag-enjoy kayo noon sa “Zombadings” ni Martin Escudero, tiyak na magugustuhan n’yo rin ang obrang ito ni Lemuel Lorca. At hindi lang ito basta comedy, yung horror factor ng movie ay winner din dahil sa ginamit na special effects, lalo na sa mga “sanib” moments ni Alex at ni Kiray Celis. Sinisiguro namin sa inyo na hindi masasayang ang ibabayad n’yo sa sinehan.
Nakiusap din si Alex sa mga manonood na sana’y suportahan ng LGBT community ang kanilang pelikula na showing na sa April 13 nationwide to be released by Quantum Films.

“Sana sumugod sa sinehan ng Echorsis ang milyon-milyong manonood opening day pa lang para manatili ito sa line up ng mga pelikula. Naranasan namin sa ‘Heneral Luna’ na matanggal dahil mahina ang benta ng ticket nung first day. Mabuti na lang naging matagumpay ang campaign sa social media na madagdagan ang mga sinehan,” aniya.
Natanong naman si Sweet kung nagtangka na rin ba siyang magpakamatay nang dahil sa lalaki tulad ng nangyari sa kanya sa movie? “Naisip ko ring magpakamatay noon, pero hindi dahil sa isang lalake. Buti na lang, hindi natuloy,” chika ni Sweet.

Ka-join din sa “Echorsis” sina Kean Cipriano na first time gumanap na isang pari pero sa huli ay umamin ding isang bading, Chokoleit, Alessandra de Rossi, Mich Liggayu, Ruby Ruiz, Bekimon, Nico Antonio, Francine Garcia, Odette Khan, ang mga miyembro ng boy band na 1:43 na sina Yuki Sakamoto, Anjo Resurreccion, Gold Aquino at Yheen Valero at marami pang iba.

Showing na ang “Echorsis” sa April 13 sa mga favorite n’yong sinehan kaya sugod na mga beki!

No comments:

Post a Comment