Showing posts with label Bandera 2016. Show all posts
Showing posts with label Bandera 2016. Show all posts

Saturday, July 16, 2016

Sikreto nina Jay-R at Alma nabuking ni Jessica (2016)



NGAYONG gabi, tampok sa Kapuso Mo, Jessica Soho ang ilang artista at ang kanilang kuwento tungkol sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.
Noong Martes, marami ang nagulat nang kasama sa mahigit 200 sumukong pusher at drug user sa Toledo Police Station sa Cebu ang singer na si Jay-R Siaboc. Umamin ang singer na gumagamit siya ng ipinagbabawal na gamot subalit mariin niyang itinanggi na nagtutulak rin siya.
Samantala, ang artista at dating beauty queen na si Alma Concepcion, ikukuwento kung paano niya nalampasan ang madilim na kabanata ng kanyang buhay nang na-deport siya noon sa airport sa Guam matapos mahulihan ng .08 gramo ng shabu.
Sa panayam ni Jessica Soho kina Jay-R at Alma, panoorin ang mga kuwento na magpapatunay na walang mabuting naidudulot ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Sa Davao del Sur naman, kakaiba ang atake ng mga pulis para kausapin ang mga pinagsususpetsahang mga tulak at gumagamit ng illegal na droga.
Bilang bahagi ng Oplan Tokhang, hinaharana nila ang mga ito. Babalikan din ng KMJS ang naging buhay ni Willy Garte, ang bulag na mang-aawit na nagpauso noon ng kantang “Bawal na Gamot”. Ang mensahe ng awitin, napapanahon pa rin magpahanggang ngayon.
Ang makulay na kulturang Pinoy, makikita naman sa mga katutubong laro. Sa Marawi, patuloy pa ring nilalaro ng mga Maranao ang Sipa sa Lama at napakakulay na Sipa sa Manggis. Sa Barlig Mt. Province naman, buhay na buhay pa rin ang sus-uwat o paduyan-duyan at sangkor o bunong braso. Tigil muna sa online games at ngayong Linggo makilahok sa mga katutubong laro.
Kamakailan lang, nagpost sa kanyang Facebook account si Laurie ng panawagan ukol sa anak niyang nakidnap, si Earl. Pero si Earl, 1997 pa pala nawawala. Matapos kasing ideklarang “cold case” ng NBI dahil sa kakulangan diumano ng ebidensya, social media na lang daw ang naiisip na paraan ni Laurie para malaman ang katotohanan sa kinahinatnan ng anak niyang tinatayang 21 taong gulang na ngayon.
Kinakalap ni Laurie lahat ng makukuha niyang impormasyon lalo pa’t kalaban niya ang oras. Si Laurie kasi, may stage 4 lung cancer. Tunghayan ang kuwento ng isang ina na sa kabila ng banta sa kanyang kalusugan, inuuna pa ring maghanap ng kasagutan kung anong nangyari sa kanyang anak. Huwag palampasin ang Kapuso Mo, Jessica Soho ngayong Linggo, pagkatapos ng Ismol Family sa GMA.

Tuesday, July 5, 2016

Jennylyn: Walang kumpetisyon sa amin ni Marian!





KUNG si Marian Rivera ang tinaguriang Primetime Queen ang Kapuso Network, si Jennylyn Mercado naman ang bagong Ultimate Star ng GMA 7.

Sa presscon na ibinigay ng Siyete kay Jennylyn pagkatapos niyang pumirma ng bagong exclusive contract sa network, ipinakilala siya sa members ng media bilang “Ultimate Star”. Sa ngayon, sila lang ni Marian ang may titulo at korona sa bakuran ng GMA.

Bukod dito, itinuturing din silang mga hot mama sa showbiz dahil kahit may anak na ay super sexy pa rin. Kaya naman natanong ang dalaga kung magkakaroon na ng kumpetisyon sa pagitan nila ngayong pareho na silang may title sa kanilang mother network.

“Wala namang kumpetisyon. Siguro yun ang isa sa ipagmamalaki ko sa GMA, kasi never naman kaming nagkaroon ng kumpetisyon dito, e. “Magugulat kayo, backstage, nagtutulungan pa ‘yang mga ‘yan, nagkukuwentuhan. Wala akong nararamdamang kumpetisyon,” pahayag ni Jen.

May mga nagsasabi na pwedeng-pwede na raw niyang palitan si Marian bilang reyna ng GMA dahil marami na rin siyang napatunayan pagdating sa pagiging artista. Nakagawa na siya ng mga pelikula na pawang mga blockbuster sa takilya at nagbibilang na rin siya ng best actress awards.

“Alam n’yo, pareho-pareho lang kami. Ang importante, nagagawa namin nang mabuti yung trabaho namin, tsaka masaya yung mga tao. “Kasi para sa kanila naman yun, para sa inyo naman ‘yun. Kayo rin naman ang manonood nun sa mga ginagawa namin, siyempre natutuwa sila,” chika pa ng Kapuso Ultimate Star.

Natanong din si Jen kung rarampa pa rin ba siya sa 2016 FHM Sexiest Woman victory party kahit hindi siya ang nanalong number one sa online poll ng men’s magazine. Umaapela kasi ang kanyang fans na dapat siya raw talaga ang nag-number one at hindi si Jessy Mendiola.

“Yung mga supporters natin gusto nila lahat tayo masaya, laging panalo, laging number one pero hindi naman sa lahat ng oras nakukuha natin ang spot na ‘yan. At masaya ako para kay Jessy na nakuha niya ‘yun at excited ako mapanood ang fashion show niya.

“I’ll try to make it (makarampa), sana, kung mabibigyan ako ng chance at kung mabibigyan ako ng libreng araw at pwede akong manood bakit hindi,” ani Jen.

Diego Loyzaga sa bashers, Tumalon na lang kayo sa bangin!



DIEGO Loyzaga was miffed when comments on his photo which surfaced on one popular website were mostly negative.

Taking his anger to social media, nag-tweet si Diego nang ganito, “To those ppl who comment on FP or any social media acct that hide behind their phones and computers should go jump off a cliff! #justsaying.” “Ipag pray ko nalang na maging exciting ang mga buhay niyo para di niyo na pakialaman ang buhay ng iba. God bless u all,” dagdag pa niya.

Ang photo niya ay kuha sa isang event kung saan kasama niya ang girlfriend niyang si Sofia Andres. Nagpiyesta ang mga bashers sa comment nila against Diego. “Heller! Only thing I can say is ‘Hey Diego, there are lot of actors who are better than you! Look at the mirror! Marlo Mortel is much more handsome than you!” wailed one guy.

“Ayaw pala nya pakealaman buhay nya ng iba, bat sya nag-artista? It doesn’t make sense,” tili naman ng isa pa. “O bakit nung Na PF yung bugbugan issue mo Sa palace pool club silent Ka classmate Diego eh hundreds Ang comment dun while etong Sa PF nyo Ni Sofia Ni wala pang 50 nag comment affected much ka. Hay naku papansin ka,” said another guy.


Baste Duterte: Hindi porke may tattoo at hikaw ang tao adik na!




SALUDO ang mga netizens sa mga naging pahayag ng presidential son na si Sebastian “Baste” Duterte tungkol sa patuloy pa ring diskriminasyon na nararanasan ng ilang mamamayan ng Pilipinas.

Sa isang sports event kamakailan nagsalita si Baste laban sa mga taong masama ang tingin sa mga may tattoo at hikaw. Karamihan daw kasi sa mga Pinoy ay adik ang tingin kapag may tattoo at hikaw ang isang tao. “Hindi ibig sabihin kapag may hikaw ka sa bibig at may tattoo ka sa katawan, addict ka na, rebellious na. No. It’s not always ganoon,” pagdidiin ng anak ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Yes to sports, yes to music, no to drugs. Very basic, just follow it. Alam niyo namang nakakasira ‘yung drugs, bakit n’yo pa gagawin?” aniya pa sa panayam ng ABS-CBN.  Kuwento pa ni Baste, noong nasa high school pa siya ay naka-experience din siya ng pambu-bully at ng diskriminasyon.

“I studied in San Beda. Akala ng mga kaklase ko, dahil taga-Mindanao ako, Muslim na ako. Ano ba iyon, ‘di ba? It’s not even bad to be a Muslim pero bakit may ganu’n silang idea na kapag taga-Mindanao, Muslim ka na? I’m not saying it’s discrimination but pakiusap naman, open your minds,” pahayag pa ng tinaguriang bagong heartthrob sa Malacañang

JM De Guzman baliw na baliw pa rin kay Jessy: Akin ka na lang!!!





HALA, mukha ngang si Jessy Mendiola ang pinatutungkulan ng mga latest video uploads ni JM de Guzman singing “hugot” songs.

Nauna na riyan ang “When I Was Your Man” na nag-viral last weekend na paniwala ng marami ay parang pagsisisi ng aktor sa break-up nila ni Jessy. Sinundan pa ito ng kanyang version ng “Akin Ka Na Lang.”

Super init ang name ni Jessy ngayon lalo na nang i-announce na siya ang nanalo bilang 2016 FHM’s Sexiest Woman bukod pa iyan sa chikang nagkakamabutihan na sila ni Luis Manzano (na feeling namin ay magdyowa na).

Uso nga yata sa mga panahong ito ang mga “ex” na hirap na hirap maka-move on sa kanilang break-up. Ha-hahaha Nauna na riyan si Angel Locsin na naglitanya rin about recently about Luis at umaming hindi pa rin siya completely healed sa hiwalayan nila ng ating ampon, at eto nga si JM, na idinaan pa sa kanta ang feelings!


Alden Maine umamin na sa tunay na relasyon



MAS naging strong ang relasyon nina Alden Richards at Maine Mendoza makalipas ang halos isang taong pagiging magka-loveteam.

Ngayong July, magse-celebrate na sila ng kanilang first anniversary at isa nga sa mga regalo nila sa AlDub Nation ay ang first solo movie nilang “Imagine You And Me” showing na sa July 13. At sa nakaraang presscon nga ng kanilang movie, natanong ang dalawa kung may relasyon na ba sila?

“Opo,” agad na sagot ni Alden. “Alam niyo na po yun, mutual po, nagkakaintindihan kami,” paglilinaw ng Pambansang Bae. Hirit naman ni Maine, “Father-and-son relationship, kuya-and-ate relationship.” Na sinagot naman ni Alden ng, “Yung naging process po kasi namin for one year, ganun din po sa movie. Parang roller-coaster, up and down, paikut-ikot; minsan steady, minsan hindi.

“Kumbaga, nari-realize po namin na kung ano po ang naging relationship namin, nakatulong po yung mga pinagdaanan namin all throughout,” anang binata. “Parang naging strong kami, ganoon kami ka-strong,” chika naman ni Yaya Dub. Dagdag pa ng dalaga, kung sila talaga ni Alden sa huli, walang makapipigil nu’n, at hindi na nila ‘yun makokontrol.

Anyway, makakasama rin sa “Imagine You And Me” ang mga komedyanteng sina Cai Cortez at Kakai Bautista with Jasmine Curtis, sa direksiyon ni Mike Tuviera.

Monday, July 4, 2016

Nanay ni Jessy sa bashers: Mga pakialamera kayo!






MULING nagtaray ang ina ni Jessy Mendiola matapos i-bash ng netizens ang kanyang anak sa pagiging 2016 FHM Sexiest Woman. Tinalakan talaga ni Didith Garvida ang mga nanlait kay Jessy.

Narito ang bahagi ng pahayag ni Mrs. Garvida: “Thank you for bashing, the attention is on her and Loving it. We are not going to fight you. There is no time for losers. FHM deserves someone like Jessy: witty, strong, knowledgeable. She has all the qualities to be number one. That is the Star Magic aim, to be no.1. She wins, you lose. That’s the name of the ballgame. Play on! Dami n’yo problema. Di mag-FHM kayo!”

“Ang dami n’yong mga pakialamera kayo. Mind all your business and leave her alone! Lahat ng paratang n’yo na hindi maganda ay walang katuturan at wala kayong pakialam sa personal na buhay niya. Well, nanalo siya, eat your heart out!” ang talak pa ni Mrs. Garvida sa kanyang post. Ngunit nabura na rin ito sa comment section ng isa sa post ni Jessy.

Vice napikon sa panlalait ng basher, rumesbak: Sunog s’ya kara-karaka!




BINUWELTAHAN ni Vice Ganda ang isang basher na inireklamo ang pagkakapili sa kanya bilang featured OPM icon sa We Love OPM: The Celebrity Sing Offs.

Isang basher ang kumuwestiyon kung bakit napili ang TV host-comedian bilang music icon. Say ni @abhie Delos Santos sa kanyang Twitter account, “Di pa rin maprocess ng utak ko kung bakit si vice yung guess ngaun? ganun na ba sukatan ng pagiging opm artist? so sad #OPMViceGanda.”

“Napakaraming mga magagaling na singer o litiral na opm artist pero bat si Vice pa,” dagdag na tweet ng basher. “Napakagaling nung mga naunang guess, tapos c vice? Wtf, di na tlaga opm ang mga kantahan ngaun. nakakalungkot. #OPMViceGanda,” hirit pa ng basher.

Noong una, super tweet pa si Vice sa kanyang guesting for the show, “#OPMViceGanda Lets watch We Love OPM. Ang ganda ng guest! Ang di manuod mamalasin sa pag ibig. Sumpa yan!” “Tingnan mo nga naman o naging singer pala ko minsan sa buhay ko! Hahhaha! #OPMViceGanda.” ‘Yan ang magkasunod niyang tweet.

But when he saw the basher’s tweet, medyo napikon si Vice who tweeted,” “Di ko rin maprocess kung bakit ‘guess’? I guess GUEST ang ibig mong sabihin? Muka ngang di nagprocess ang utak mo!” “Tumawag kayo ng bumbero. May hater na nasunog! BURN KARAKARAKA!!!!” dagdag pa niya.

Later, Vice tweeted, “Biglang nagbura ng tweet! Kaya next time @DLSAbhie be smarter. Wag puro hate. Good vibes lang girl. Nytie!!!” To Vice’s credit, marami naman siyang pinasikat at nag-trending na mga kanta tulad ng “KaRaKaRaKa”, “#BoomPanes”, “#PushMoYanTe”, “‘Wag Kang Pabebe”, and “Chuva Choo Choo”.

Maine, Alden tinalbugan sa Italy sina Brad Pitt, Angelina Jolie, Johnny Depp

\



TINALBUGAN nina Maine Mendoza at Alden Richards ang ilang Hollywood stars na nakapag-shooting na ng pelikula sa Italy.

Kuwento ni Mike Tuviera, ang direktor ng anniversary movie ng AlDub na “Imagine You And Me”, na-shock siya sa tindi ng suporta ng fans nina Alden at Maine dahil kahit daw nasa ibang bansa sila ay talagang nagpuntahan pa roon ang karamihan sa mga ito para makita up close and personal ang magka-loveteam.

“One of the best experiences about shooting abroad is how many fans we were able to meet along the way. Kakaiba talaga itong dalawang ito. Hindi namin ini-expect talaga na may mga darating na mga fans. “Kasi we were in the northern part of Italy and bihira ang may mag-shoot ng movie sa Como. But everywhere we shoot there, may group ng fans na sumusunod sa amin. Kaya well-documented ang shooting namin doon via social media.

“Sabi nga ng mga nakausap namin na locals doon, they were amazed with the popularity of both Alden and Maine dahil sa rami ng mga fans na pumupunta sa shooting namin doon. “Sabi pa nila, noong mag-shoot doon sina George Clooney, Brad Pitt, Angelina Jolie and Johnny Depp, hindi raw ganoon katindi ang experience nila. Unlike sa dalawang ito (AlDub), dumarami ang mga tao every day on our shoot.  “At ang maganda sa dalawang ito, they are very accommodating. Kahit na inabot kami ng iba’t ibang weather doon while we are shooting, kapag may fan na gustong magpa-selfie with them, game sila parati.

“Ganoon nila kamahal ang mga fans nila kaya kahit pagod sila, they really make an effort to accommodate them dahil yung iba kasi ay bumiyahe pa nang malayo just to see them,” mahabang kuwento ni direk Mike sa media conference para sa “Imagine You And Me” kamakailan. Pambubuking pa ng direktor, saksi siya sa kakaibang closeness nina Maine at Alden habang naroon sila sa Italy, talaga raw hindi mo sila mapaghiwalay kahit saan sila magpunta.

“They’re almost inseparable. Except for when they had separate scenes. And sometimes even then. Maine and Alden seem to have their own language when they’re together. The rest of us just listen until we get the gist,” chika pa ni direk. Kung si direk Mike lang daw ang masusunod nais niyang ipalabas ang uncut version ng pelikula na baka raw tumagal nang apat na oras dahil sa dami ng magagandang eksena ng dalawa sa Italy.

“Kulang ang two hours of film time para maipakita ang maraming mga eksenang kinunan namin sa Como. Kaya hintayin na lang nila ang DVD version at doon na lang namin ilalagay ang mga additional footages at mga outtakes and bloopers para sa ikatutuwa ng mga fans nila Alden and Maine,” pahayag pa ng direktor.


Kris wasak na ang kredibilidad pagdating sa pangako





MAY binitiwan na namang pangako si Kris Aquino. Itatago na lang daw niya sa kanyang sarili ang kuwento ng kanyang lovelife. Mararamdaman daw natin ang milagro pero hindi natin makikita ang santo.


Pero inuunahan na namin, si Kris Aquino ang nagbitiw ng pangako, hindi ibang tao. At kapag nangangako si Kris, ang paghusga ay kakambal na niya agad, hindi niya makakayang tuparin ang pangakong binitiwan niya. Mapapako lang ‘yun, tulad ng mga nauna niyang pangako na hindi niya naman napanindigang tuparin, kinakain din uli ni Kris ang kanyang mga salita.

Pero iba raw ang pangako niya ngayon, sabi ni Kris, talaga raw paninindigan na niyang gawing pribado ang kanyang lovelife. Kahit daw clue ay hindi siya magbibigay, parang blind item lang ang peg, ganu’n!
Pero dahil si Kris nga ang nagbitiw ng pangako ay umani agad siya ng pagkontra mula sa ating mga kababayan. Sabihin daw ‘yun ni Kris sa lelang niya, isigaw raw niya ‘yun sa ibabaw ng bundok, para walang nakakarinig sa kanya.

Pagdating sa mga pangakong binibitiwan ni Kris ay wala na siyang kredibilidad. Sirang-sira na siya sa publiko dahil wala naman siyang pangakong tinupad niya. Bukas-makalawa lang ay sasabihin na rin ni Kris kung sino ang lalaking madalas magpadala ng bulaklak sa kanya. Kapag hindi niya sinabi kung sino ‘yun ay baka masabihan pa siyang ilusyunada.

Baka isipin pa ng iba na siya lang ang nagpapadala ng mga bulaklak sa sarili niya. Ha! Ha! Ha! Ha!


Dick Israel nasunugan, nangangailangan daw ng tulong


KUMALAT ang litrato ng character actor na si Dick Israel sa social media kahapon at sinasabing isa raw ito sa nabiktima ng sunog sa kanilang lugar kamakailan.

Isang nagngangalang Sidemiod Francisco Datanam ang nag-post ng litrato ng veteran actor sa Facebook nitong nagdaang Linggo na may caption na: “Sana mkatulong tayo. Idol Dick Israel nasunugan po siya sa Bagong Barrio Brgy 144 (Caloocan City). Pls. share.” Wala nang ibinigay na karagdagang detalye si Dataman tungkol sa kundisyon ngayon ni Dick bukod sa unti-unti na raw itong nakaka-recover mula sa naganap na sunog.

Pero sa pagkakaalam namin, tuluy-tuloy ang pagpapagamot ng aktor matapos siyang ma-stroke noong 2010. Balitang na-paralyze ang kalahating katawan ng 57-year-old na aktor at nagkaroon din ng problema sa pagsasalita.

Kung matatandaan, nagbigay pa ng tulong sa veteran actor ang ilang mga kasamahan niya sa industriya matapos siyang ma-stroke kabilang na riyan sina Lorna Tolentino, Christopher de Leon, John Lloyd Cruz, Bea Alonzo at marami pang iba.

Kung hindi kami nagkakamali, huling napanood si Dick I

Kiray, Enchong game na game sa lampungan at halikan


WASAK na wasak ang audience sa kabaliwan at kaaliwan na dala nina Kiray Celis at Enchong Dee sa dumagsang manonood sa premiere night ng “I Love You To Death” nu’ng July 1 sa Cinema 7 ng SM Megamall!

Sobrang aliw kasi ang unang pagsasama sa movie ng Comedy Princess at Tsinito Prince mula sa simula hanggang sa wakas. Bawat labas ni Enchong, bawat lampungan nila ay bumubulwak sa sigaw, tili ang hiyawan ng crowd na nagsiksikan sa sinehan. Swak na swak ang chemistry nilang dalawa to the max.

Very happy si Enchong sa resulta sa takilya ng kanilang movie, “I think this is the perfect movie for my tenth film for my tenth anniversary. Nawalang lahat ang kaba ko nang mapanood ko ang pelikula,” ani Enchong. Bilib din ang binata sa galing ni Kiray sa movie, “No wonder, she’s being called the Comedy Princess. She lived up to the expectation dahil ang galing niya.”

For her part, sinabi ni Kiray na, “Masaya ako. Hindi namin ini-expect na ganoon kagaling si direk Miko (Livelo, the director). Lagi namin siyang inaasar. ‘Galingan mo, huh! Gandahan mo ito. Ayusin mo ito.’ Kasi parang magkakabarkda lang kami. Ang galing. Sobrang talino ni Miko.

“Ginawa namin ‘yung movie na ‘yon na parang lokohan lang. Tapos nagagalit pa kami kapag paulit-ulit. Pero maganda ang pagkakabuo,” sabi ni Kiray. Inamin din ni Kiray na feel na feel niya ang chemistry nila ni Enchong.

Sa totoo lang naman, walang inhibitions ang Chong-Ki loveteam sa kanilang lampungan at halikan. Maging sa mall shows na pinuntahan nila, wala silang arte sa pagpapaligaya ng mall goers dahil todo bigay rin sila sa kanilang harutan at landian sa stage.

Of course, bumilib ang mag-inang Mother Lily at Roselle Monteverde sa ipinamalas na galing ni Miko. Bago, fresh ang ideas niya at ang camera movements niya eh, plantsado. Alam din niya kilitiin ang gusto ng masa, huh!

Maging ang horror scenes ng movie ay nakakabilib. Hindi kasi ito predictable gaya ng ibang horror films at maganda rin ang special effects dahil hindi ito tinipid. Eh, magagaling din ang suportang ipinamalas nina Devon Seron, Michelle Vito, Trina Legaspi, Shine Kuk, Paolo Gumabao, Christian Bables, Dino Pastra at Nico Nicolas.

Sunday, July 3, 2016

Daniel, Kathryn sinugod ng mga fans sa Spain, pinagalitan ng mga pulis



HINDING-hindi malilimutan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang ilang araw nilang pagsu-shooting sa Spain para sa la-test movie nila under Star Cinema sa direksiyon ni Olivia Lamasan.

Kakauwi lang ng magdyowa sa Pilipinas galing Spain at balitang-balita na laging kinukuyog ang magka-loveteam ng kanilang mga fans kahit saan sila magpunta. Sinamantala rin ng KathNiel ang pamamasyal doon. “Nagkaroon kami ng off and hindi na nga namin kailangang umikot kasi du’n pa lang sa ginagawa naming movie e nakikita na namin yung buong Spain,” ani Daniel sa panayam ng ABS-CBN.

Kuwento pa ng binata, “Pag nanonood yung mga Filipino siyempre gustong tsumismis ng mga Espanyol…mababait naman ang mga Espanyol and ‘yung mga Fi-lipino hindi naman natin maiiwasang manood.

“Minsan kasi napapagalitan kami ng mga pulis dahil ang dami nila. So naano yung shoot namin kasi may oras lang yung shoot namin e,” dagdag pa ng aktor. Chika naman ni Kathryn, “Kasi yung permit baka bawiin sa amin kasi parang every day may time talaga kasi may mga sequence na kailangan siyang kunan, may plano.”


Maine sa relasyon nila ni Alden: Kung kami ang para sa isa’t isa, kami talaga!



AlDub payag magkaroon ng ibang ka-loveteam, pero....
NAPAHANGA kami ni Maine Mendoza dahil ang husay niyang sumagot sa mga tanong sa nakaraang presscon ng pelikulang “Imagine You And Me” ng APT Entertainment, M-ZET TV at GMA Films mula sa direksyon ni Mike Tuviera.

Sa Italy kinunan ang halos kabuuan ng movie bagay na nakadagdag ganda sa pelikula, ito na kasi ang uso nga-yon para pang-akit na rin sa manonood. Sabi nga ng ka-loveteam ni Alden Richards, “Yung mga sceneries, ang ganda po ng locations namin, isa po ‘yun sa highlights ng pelikula.”

Anyway, inamin ni Maine na sobrang pressure sila ni Alden sa una nilang pelilkula dahil hindi raw porke’t napuno nila ang Philippine Arena sa “Tamang Panahong” event ng Eat Bulaga ay hindi ibig sabihin na magi-ging kampante na sila sa “Ima-gine You And Me.”

“Hindi po mawawala ang pressure o ka ba talaga sa outcome ng movie kasi maski po kami kinakabahan talaga kung anong kalalabasan. Sigurado naman po ako na magiging maganda ito since maganda naman ang istorya at talagang pinaghirapan po ito nina direk at kami po lahat,” sabi ni Maine.

Sabi naman Alden, “Opo (pressured), sa lahat naman ng ganitong nangyari sa buhay ng mga tao especially po sa amin ni Maine as loveteam is after ‘Tamang Panahon,’ the second biggest break po of our loveteam. Excited po kami at kinakabahan kasi ang taas po ng expectation ng mga tao.” Hirit pa ni Maine, “At abangan n’yo po ‘yung twist ng pelikula kasi ‘yung sa trailer patikim pa lang po i-yon.”

Samantala, natanong si Maine kung okay lang bang i-partner sa iba si Alden, “Well, susuportahan ko naman po si Alden kung ano ang gagawin niya in the future after ng movie namin, susuportahan ko pa rin po siya kahit hindi ako ang kapartner niya.”

Kahit super sikat na ang AlDub loveteam ay hindi pa rin sila nawawalan ng bashers kaya ang tanong kung naapektuhan pa ba sila sa mga ito, “Well, sa akin ang lagi lang namang bina-bash sa akin ‘yung itsura ko, malaki ang bibig ko, malaki ang tiyan ko, na hindi ako makinis.

“Pero ‘yun, keri-keri lang ‘yun kasi Diyos ko, panlabas na itsura lang naman ‘yun.
Siguro ‘yung ano na lang, pag dinadamay ang family kasi wala naman silang kinalaman dito,” pahayag ni Maine. Diretsong tanong sa dalaga kung may relasyon na sila ni Alden dahil may mga couple’s ring at bracelet na sila, sagot ng dalaga, “Ay, hindi ko po isinusuot ‘yung bigay ni Alden, hindi ko po pinapakita.”

Ibinuking ni Alden na nawala raw ni Maine ‘yung bracelet niya na nakuha nila noong nag-birthday ang huli sa Boracay dahil kinain daw ng bibe sa isang park sa Italy. Seryosong sabi ni Alden, “Anything is possible naman. We’ll just go with the flow. If we’re bound to last 30, 50, 60 years, then it will happen.”

Sey naman ni Maine, “Ganu’n din po, lagi kong sinasabi, what’s meant to be will always find its way. Kung marami man po kaming pagdaanan ngayon, kung kami talaga, kami.” Samantala, hindi man diretsong inamin ni Maine, mukhang totoo ngang meron na siyang boyfriend dahil nu’ng tanungin siya kung in a relationship siya ngayon, hindi siya nakasagot nang diretso. Ang tanging nasabi niya ay, “Ahhh, tubig, tubig po (sabay taas ng baso)!”

Nadine inokray, binastos ng hairstylist; JaDine fans nagwala sa galit

NAG-APOLOGIZE ang isang hairstylist named John Valle sa fans ni Nadine Lustre matapos niyang bastusin ang aktres.
Nag-post kasi ng FHM Sexiest celebrities ang hairstylist which included Jennylyn Mercado, Jessy Mendiola and Nadine nga. Kaso, ginawa niyang blurred ang photo ng dyowa ni James Reid. Doon na nagwala ang JaDine fans. Lumabas kasing parang binastos ng hairstylist ang kanilang idol.
Na-pressure siguro itong si John kaya naman agad-agad itong nag-sorry. Ang alibi niya, gusto lang niyang i-highlight ang style niya kina Jessy and Jennylyn. Wala raw siyang intention na maka-offend kay Nadine o sa mga fans nito.
Gano’n?

2 member ng #Hashtag pasok sa bagong PBB

SHOCKED ang Hashtags members na sina Nikko Natividad at McCoy de Leon nang malamang napili silang housemates sa bagong season ng PBB.

“Alam kong hindi lingid sa inyo na magbubukas na ang aking bahay at sa pagkakataong ito, ipinapaalam ko na mgacelebrities ang unang papasok sa aking bahay,” ang mensahe ni Big Brother. “Kayo ang magiging kinatawan ng inyong grupo sa loob ng aking bahay kaya ka-yong dalawa ay magiging isa.

“Hahshtags, alam ko may mga trabaho pa kayong kailangan gampanan. Kaya binibigyan ko lang kayo ng 48 hours para tapusin ang mga kinakailangan. Sana ay matapos kayo bago ang itinakdang oras,” ang bahagi pa ng mensahe ni Big Brother na binasa ni Mariel Rodriguez sa Showtime.

Magsisimula na sa July 11 ang new season ng Pinoy Big Brother.

I Love You To Death’ nina Enchong at Kiray binigyan ng PG-13 ng MTRCB



NAPANOOD namin ang “I Love You To Death” nina Enchong Dee at Kiray Celis sa advance screening nito sa SM Megamall cinema 7 noong Biyernes at talagang tawang-tawa kami sa kuwento nito and at the same time, natakot din kami sa mga nakakagulat na eksena.
Hindi namin nasimulan ang pelikula kaya sisiguruhin namin na mapanood ito Hulyo 6 na binigyan ng MTRCB ng Rated PG-13 dahil sa ilang maseselang eksena. Sobrang in-love sina Tonton (Enchong) at Gwen (Kiray) sa isa’t isa na nangakong magmamahalan hanggang kamatayan. Hindi naman alam ni Kiray na talagang patay na ang kanyang fiancé.
Laking gulat ni Kiray kasama ang mga kaibigan na pinapupunta sila ni Tonton sa bahay nito sa isang malayong lugar para magpakasal na sila. Ang ganda ng kasal na ginanap sa bundok, katulad ito ng isang eksena sa pelikulang “Twilight” nina Robert Pattinson at Kristen Stewart.
Pero ang nakapagtataka walang pamilya o kaibigan si Tonton na dumalo sa kasal kaya dito na nagduda ang mga kaibigan ni Gwen. In fairness, napatawa uli kami ni Kiray tulad din sa last movie niyang “Love Is Blind”, magaling naman talaga kasi ang timing ng komedyana kaya sabi nga namin, puwede na siyang tawaging Comedy Princess.
Morbid ang mga eksenang pagpatay ni Enchong kaya tama lang na bigyan ito ng PG-13 rating. Grabe ang reaksyon ng mga tao sa sinehan, tumatawa at nagagalit ang mga ito dahil nga itong si Kiray, natatakot na, pero nakakatawa pa rin ang pinagsasabi habang hinahabol ni Enchong.
Ang saya-saya ni Mother Lily Monteverde na producer ng “I Love You To Death” at ng direktor na si Mico Livelo dahil sa magagandang komento ng mga nanood. Binati rin ng press si Kiray dahil posibleng maging another hit na naman ito ng Regal Films. Showing na sa Hulyo 6 ang I” Love You To Death”.

Angel isinumpa: Gagapang na parang ahas, mawawasak ang career



OO nga, totoo ang maraming obserbasyon, ramdam na ramdam ang pagiging malagihay ng career ngayon ni Angel Locsin. Wala siyang ginagawang proyekto sa ABS-CBN, napag-iwanan na siya ng kanyang mga kasabayan, kapag nagtagal pa ang ganyang sitwasyon ay hindi na nakapagtataka kung mahirapan na siyang makahabol.
Ano na ang nangyari sa career ng dalaga? Bakit mukhang binabalagoong na siya sa Dos? Bakit malagihay na ang presensiya niya ngayon sa telebisyon at pelikula? Wala bang makitang tamang proyekto para sa kanya ang Dos at ang Star Cinema? Nagkaroon ba ng problema sa kanila ng mga ehekutibo ng network kaya nagkakaganyan na ang career niya?
Isang source ang nagbulong sa amin, “Para kasing may sumumpa sa kanya. Masyadong nasaktan ang taong ‘yun sa ginawa niya. Ang kuwento, nagbitiw raw ang taong ‘yun ng sumpa! “OA naman ang kuwentong gagapang siyang parang ahas, hindi totoo ‘yun, pero ang sabi ng taong sinaktan ni Angel, e, hindi uusad ang career niya. Kilala ni Angel ang taong ‘yun, bakit kaya hindi siya makipag-usap para matuldukan na ang sumpa na nagiging sagabal sa career niya?” sabi pa ng aming kausap.
Totoo man o hindi ang kuwento ay hindi na mahalaga. Ang kasalukuyang takbo ng kanyang karera ang mas nakakaalarma. Milya-milya na ang layo kay Angel Locsin ng mga kasabayan niya.

Thursday, June 23, 2016

Janice de Belen takot na takot ‘makipag-sex’ kay Liza Diño


LAST pala kinunan ang love scene nina Liza Diño at Janice de Belen for “Ringgo The Dog Shooter” where they play lesbian lovers.

“Nakikita ko sa kanya ang discomfort. And when I felt na she’s comfortable with that ay nag-usap kami, nagkukuwentuhan kami. Ikinukuwento ko sa kanya ang relationship namin ni Aiza para kahit paano ay malaman niya,” say ni Liza.

Aminado naman si Janice na she keeps postponing the shooting of the love scene as she wasn’t ready during that time.

“Gawin na natin ‘to. Bahala na,” say ni Janice.

Alas kuwatro na ng madaling-araw nang gawin nila ang love scene. That was the most daring scene that Janice did in a movie.

“Parang wala naman,” sagot ni Janice when asked kung there was a time na may nanligaw sa kanyang tomboy.

“I think the hardest part, as I expressed my discomfort and nervousness, ang worry ko is how I would make Liza feel comfortable kasi hindi siya ito, ako talaga ito. Ako talaga ang may problema,” say ni Janice

Wednesday, June 22, 2016

Xian Lim isinugod sa ospital matapos malason


ISINUGOD sa ospital ang Kapamilya hunk actor na si Xian Lim kamakalawa ng umaga.

Mismong si Xian ang nag-post sa kanyang Instagram account ng kanyang litrato habang nakahiga na kuha sa loob ng ospital. Sey ng rumored boyfriend ni Kim Chiu, nag-post siya ng ilang photos sa IG habang nasa ospital dahil bihira raw siyang magkasakit at maospital.

Balitang bigla na lang sumakit ang katawan, nilagnat at nahilo ang binata sandi ng food poisoning. Hindi naman sinabi ni Xian kung ano ang nakain niya bago naganap ang pagsakit ng kanyang tiyan at katawan.

“So…This happened…#kailanganIpostDahilminsanlangto #anongnangyari #umiikotpaninginko #painlevelfrom1-10feelingko7.5!” ang nilagay na caption ni Xian sa isang litrato na ipinost niya sa IG.