Showing posts with label Bandera 2015. Show all posts
Showing posts with label Bandera 2015. Show all posts

Wednesday, January 13, 2016

Maine, Pops nagkakilala na sa burol ni Kuya Germs


pops fernandez

FINALLY, nagkita na nang personal ang celebrity look-a-like na sina Maine Mendoza at Pops Fernandez. Nangyari ang pagkikita ng Concert Queen at Dubsmash Queen sa burol ni Kuya Germs nitong Martes ng gabi sa Mt. Carmel Church sa Q.C..

Hindi pa masyadong close si Yaya Dub kay Kuya Germs pero pumunta pa rin siya sa lamay para makiramay sa pamilya ng TV host-comedian – at bilang respeto na rin sa kapwa niya Kapuso star na itinuturing nang haligi ng showbusiness.

Sa ilang litrato na nakita namin sa social media, nakunan nga ang ka-loveteam ni Alden Richards na katabi si Pops kasama ang anak-anakan din ni Kuya Germs na si Vina Morales.
Maraming AlDub fans ang nagsasabi na magkamukha sina Maine at Pops, pwedeng-pwede nga raw silang gumanap na mag-ina sa teleserye o pelikula. Nauna nang sinabi ng Concert Queen na gusto niyang makilala nang personal si Maine.

Marlo Mortel pinagnanasahan ng mga beki dahil sa UKG at Kris TV


Gusto namin ang attitude ng Kapamilya singer-actor na si Marlo Mortel. Matagal na nating nasusulat ang masaya at maganda naming experience kay Marlo kaya’t naniniwala kaming hindi siya nagtatanim ng galit o sama ng loob.

Sa tagumpay ng MMFF entry niyang “Haunted Mansion” kasama si Janella Salvador, posibleng magkasama uli sila ng Kapamilya teen star sa pelikula matapos ngang buwagin ng ABS-CBN management ang loveteam nila.

Busy ngayon si Marlo sa trabaho. Halos araw-araw ay napapanood siya sa Umagang Kay Ganda at Kris TV bilang co-host na bagay naman sa kanya. In fairness, refreshing ang aura ng binata sa dalawang morning show ng Dos.

Mas dumami pa nga ang fans niyang beki na tumututok talaga sa kanyang morning shows. Marami rin siyang mga singing gigs outside Metro Manila gaya ng Bulacan, Bicol, Antipolo at iba pang lugar kung saan nakasama rin kami.

“Wala na lang negative Kuya Ambet. Mas nakaka-attract ng positive vibes kapag may tiwala at pagmamahal ka sa ginagawa mo. Chill lang,” sey pa ng magaling at mabait na singer-actor-host sa amin tungkol sa paghihiwalay nila ni Janella bilang magka-loveteam.



Friday, January 8, 2016

Kuya Germs pumanaw na




ISANG taon matapos magkasakit at makarekober, tuluyan nang namaalam kaninang madaling araw ang prominenteng comedian at TV host na si German Moreno.  Siya ay 82 anyos.

Sa report ng Radyo Inquirer, inisyu ang pahayag nang pagpanaw ni Moreno, mas kilala sa tawag na “Kuya Germs”  ng kanyang pamangkin at co-host na si John Nite.Binawian ng buhay si Kuya Germs sa St. Luke’s Medical Center dahil sa cardiac arrest, alas 3:20 ng umaga.


Ayon kay Nite, napapaligiran ng kanyang mga mahal sa buhay si Kuya Germs hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay.

Si Kuya Germs ay nakilala sa pagdiscover ng mga bigating artista mula sa kanyang tanyag na TV show noong dekada 80 na “That’s Entertainment”.
Siya rin ang host ng popular na programang “Walang Tulugan”.

Noong Enero, 2015, isinugod sa ospital si Kuya Germs matapos atakihin sa puso, ngunit nakarekober, at muling nakabalik sa showbiz, at nakapaghost pa ng kanyang programa sa telebisyon at radyo.



Tuesday, December 29, 2015

Malaking Selebrasyon abangan sa GMA Countdown To 2016




NGAYONG Dis. 31 (Huwebes), sabay-sabay salubungin ang bagong taon na puno ng sorpresa at kasiyahan dahil handog ng GMA Network ang isang pagtatanghal kasama ang mga paboritong Kapuso stars.

Sa Countdown to 2016, kaabang-abang ang mga inihandang pasabog kasama ang mga hosts sa pangunguna nina Kris Bernal, Andrea Torres, Betong Sumaya, at ang Pambansang Bae na si Alden Richards.

Isang makulay na pagsalubong sa bagong taon ang tiyak na magaganap dahil inaanyayahan ang lahat na duma-ting suot ang kani-kanilang mga costumes. At dahil nga nais ng GMA na magmahalan tayo nga-yong Pasko, magsimula nang mag-post ng mga gree-tings at selfies gamit ang hashtag na #Kapuso2016. Ang mapipiling selfie ay magkakaroon ng pagkakataon na makasama ang Pambansang Bae sa isang production number.

Mapa-comedy, kantahan o sayawan, talaga namang nangunguna ang Kapuso Network. Kaya naman ihanda na ang mga sarili dahil makakasama ang mga Kapuso artists kabilang sina Rocco Nacino, Mark Herras, Sef Cadayona, Julian Trono, Winwyn Marquez, Mayton Eugenio, Gerphil Flores at ang Starstruck Top 6.

Siguradong kakikiligan din ang mga performances mula sa on-screen loveteams na sina Gabbi Garcia at Ruru Madrid; at Bianca Umali at Miguel Tanfelix. Hindi rin dapat palampasin ang inihandang fireworks display na siguradong magpapamangha sa mga fans at viewers.

Maging bahagi sa isang engrandeng selebrasyon sa GMA Countdown to 2016 na magaganap sa SM Mall of Asia 

Seaside Boulevard sa Dec. 31. Magbubukas ang mga gates ng 5 p.m. at live telecast sa GMA ng 11 p.m.



KrisTek love story pinatunayang #WalangForever

Image result for herbert bautista kris aquino


Pagkatapos ma-sangkot sa iskandalo dahil sa kanilang “bawal” na relasyon, dismayado rin ang mga tagasuporta nina Kris Aquino at Herbert Bautista nang mabalitang hindi na matutuloy ang gagawin nilang pelikula para sa MMFF. Kung matatandaan, nagkaroon ng drama queen moment si Kris nang bigla itong mag-inarte na hindi na niya gagawin ang “All You Need Is Pag-ibig” dahil sa kung anu-anong dahilan. Todo-post si Tetay sa kanyang social media accounts ng iba’t ibang rason kung bakit hindi niya puwedeng gawin ang pelikula. Pero, bottomline, ayaw lang talaga niyang makasama uli si Bistek dahil may “pain” pa rin daw siyang nararamdaman.

Mocha, Jim Paredes nagkainitan dahil kay Duterte

Image result for mocha jim paredes



Nagkasagutan sa kanilang Facebook account ang sex guru na si Mocha Uson at veteran singer-composer Jim Paredes nang dahil kay Rodrigo Duterte. Nag-post kasi ng “blind item” ang sexy singer laban isang beteranong OPM artist na kilala bilang isang “patriotic family man” na diumano’y napakaplastik at nagmamalinis matapos tirahin si Duterte at tawaging imoral. Sinagot naman ito ni Jim Paredes at sinabing kara-patan niyang maglabas ng kanyang opinyon sa mga national issue kabilang na ang 2016 presidential elections. Nakiusap din ito kay Mocha na magpakatotoo,



JM minalas na sa career, iniwan pa ng dyowa

Image result for jessy and jm

Attitude problem. Yan ang sinasabing dahilan kaya biglang tinanggal sa seryeng All Of Me si JM de Guzman na ikinabigla ng kanyang mga tagasuporta. May mga bulong-bulungan pa na bumalik daw ito sa kanyang pagbibisyo kaya laging nale-late sa taping ng kanyang serye. Pero mariin itong itinanggi ng aktor.
Ang sinasabi naman ng ilang malapit sa aktor, ang tunay na dahilan daw kung bakit muling napariwara ang binata ay dahil sa biglang paghihiwalay nila ni Jessy. Diumano, ang nanay ng aktres ang dahilan kung bakit muling nag-break ang dalawang Kapamilya stars.



James Reid, nanggalaiti sa galit ng ibuking ng isang netizen na nahuling nakikipaghalikan kay Julia Barretto


Image result for julia barretto and james reid

Galit na galit ang ka-loveteam ni Nadine Lustre na si James Reid nang ibuking ng isang netizen na nakita silang naghahalikan ni Julia Barretto sa isang bar. Ayon sa nagpakilalang JaDine fan, magpapa-picture raw sana siya kay James pero dinedma siya nito. Kaya ginantihan niya ito sa pamamagitan ng pagpapakalat ng balita na nahuli niya sa akto na naghahaikan sina James at Julia.
Inilabas ng aktor ang kanyang galit sa kanyang Instagram account at nag-dialogue ng, “Give me a break.
Does anyone really think I would have sex in a bar/public place… Stupid. If e-veryone wasn’t so gullible
I wouldn’t even have to be explaining my private life right now!”

Sunday, December 27, 2015

Ticket na pinagbilhan ng My Bebe Love sa Beauty and the Beastie napupunta,




BINALAAN ng mga taong involved sa production ng MMFF 2015 entry na “My Bebe Love” ang mga manonood hinggil sa naganap na “ticket swapping” sa ilang SM cinemas sa opening day ng taunang filmfest.

Nagreklamo ang mga moviegoers, partikular na ang fans nina Alden Richards at Maine Mendoza nang mapansin na ibang titulo ng pelikula ang naka-print sa kanilang ticket.
Sa halip kasi na “My Bebe Love” ang nakasulat sa ticket na ibinigay sa kanila ay ang pelikulang “Beauty and the Bestie” nina Coco Martin, Vice Ganda, James Reid at Nadine Lustre, ang naka-print sa ticket.

Mismong ang director ng pelikula ng AlDub na si Joey Reyes ang nagkumpirma ng insidente kasabay ng pagbibigay nito ng babala sa mga manonood. Ani direk Joey sa kanyang Twitter account, “Got word from producer:IT IS TRUE.
Make sure that the title of the movie on YOUR ticket is what you want to watch.Beware of ticket swapping. “BEWARE OF TICKET-SWAPPING. Look at the title of the movie on your tickets. REPORT anomalies or take IG pictures and POST in social media.

“Please be calm but cautious. More important, true happiness can only be obtained by sincere and honest actions. ALDUB NATION, be above this,” sey pa ng direktor.
Ayon naman sa isang loyal supporter nina Maine at Yaya Dub, “#AlDubNation please be aware! Initially thought it was just a random mistake when we saw similar posts earlier but apparently it’s not! We don’t want to think bad of other people but it seems the ticket sales are bring rigged in favor of someone else’s film!”

Tweet naman ng isa pang nanood sa first day ng “My Bebe Love”, “Hope you can help do something about this to help the stars of #MyBebeLove also @msaiaidelasalas @mainedcm @aldenrichards02. Thank you.”
Hirit pa ng isa, “My bebe love ang pinanood nmin pero beauty and the bestie ang ticket na binigay.. bat ganun????” Nang makarating sa Eat Bulaga host na si Joey de Leon ang insidente, nagbigay din ito ng babala sa kanyang Twitter account, “Babala: Pangit yang ST(Swapping Tickets).

Wag naman. #ALDUBMyBebeLoveSaPASKO.” Ilang oras ang nakalipas, nag-post naman ang pamunuan ng SM Cinema ng mensahe sa pamamagitan ng kanilang official Twitter account, kinumpirma nitong nagkaroon nga ng ticket swapping “due to high volume of tickets purchased”.

Dahil dito humingi ng paumanhin ang SM Cinema sa nangyaring pagkakamali. Nangako naman ang SM management na mabibilang ng tama ang mga nabiling ticket para sa “My Bebe Love” na siyang nangunguna ngayon sa ta-kilya among all the official MMFF entries.

Hinikayat din ng pamunuan ng sinehan na ibigay ang ticket details sa mga takilyera o sinumang authorized staff ng SM ng mga nagrereklamong manonood.

Saturday, December 19, 2015

Sandamakmak na bodyguards ni Alden inirereklamo ng mga Showbiz reporter



May mga nakakuwentuhan kaming kasamahan sa panulat na naninibago sa sitwasyon ni Alden Richards. Nandu’n ang pagkukumpara, binabalikan nila ang mga panahong hindi pa ganito kasikat ang guwapong aktor, ibang-iba ang kanilang paglalarawan.

Naninibago sila sa sanrekwang bodyguards ng Pambansang Bae, ni hindi na raw tuloy nila makausap man lang si Alden, samantalang nu’ng mga nakararaang taon ay napaka-generous niya sa pakikipagkumustahan sa mga press people.

Ang maganda lang ay hindi si Alden ang sinasabi nilang nagbago, ang sitwasyon lang, dahil biglang sumikat ang singer-actor dahil sa tambalan nila ni Maine Mendoza. Oo nga’t nakabubulag ang kasikatan na maraming artista ang naaapektuhan ay positibo ang sinabi ng aming mga kapwa manunulat, hindi si Alden ang nagbago, kundi ang sitwasyon lang niya ngayon.

Gustuhin man siguro ng sikat na binata na makipagkuwentuhan ay hindi na ‘yun maibibigay ng napakahigpit niyang schedule. Halos wala na siyang pahinga at tulog, katatapos lang ng kanyang kompromiso ay meron na namang kasunod, ‘yun ang kakambal ng kasikatan na kadalasan ay hindi naiintindihan ng marami.

DJ Mo inupakan uli si Duterte, kinampihan ng madlang pipol





SUNUD-SUNOD ang mga ipinost ni Mo Twister sa kanyang social media account about presidentiable Rodrigo Duterte. He didn’t mention the name of the subject but it’s very obvious kung sino ang pinatutungkulan niya.

“Down with political dynasties, but the Duterte family is OK.” “Down with the communists! Except our guy who coddles them.” “A clean, safe and progressive city like Naga is not comparable to Davao.

But I can empathically generalize that what has worked in Davao will also work for the whole country.”
“Human rights should not be violated. Except those of small time alleged criminals. Or the pregnant poor who turn to pushing drugs.”

“LP members Twerking with ladies on stage? Mar Roxas’ Tuwad Na Daan! But kissing and fondling the boobs of ladies sitting on our guy’s lap is just part of his charm.” “How dare that comedian insulting our women by calling them Hipons.

But when our guy says he hate responding to issues coming from lady candidates, he is so tough!”
“We should hold our leaders to higher moral standards! Except our guy, at least he’s brazenly honest.”

“Look at PNoy. He’s so insensitive with his comments! Except our guy. At least he’s hard nosed.”
“We need a leader who says what he means. Except when our guy says something stupid that will get him into trouble. Come on now, he’s just JOKING!”

“Think of the children! Indigenous peoples! But hey, motorcycle-riding death squads are OK by me as long as they don’t go for me or my family.” “We need a tough leader who will jail all corrupt officials! But our guy wanting to give leniency to Gloria Arroyo is proof that he’s compassionate.”

“Our president should be decisive on important matters! But I’m okay with our guy. It’s political strategy lang naman.” “Dapat issues ang pag usapan! I need a clear and specific platform! But our guy’s motherhood statements for every problem are OK by me.”

“No to INC’s bloc voting! Except for Apolo Quiboloy’s The Kingdom of Jesus Christ because well, they’re best friends and have you seen how hot their Ukrainian ushers are?!” Comments on Mo’s post were mostly positive like, “Very on point.

For the first time nagustuhan ko si Mo LOL. Ewan sa iba tard na tard. Ako pa naman botong boto kay Duterte dati pero habang tumagal na-off ako sa mismong pinapakita, sinasabi, inconsistency at paguugali nya.

“Ewan ko bakit ang dami nyang warriors na nagbubulag-bulagan at hindi mo pwedeng salungatin sa FB, twitter or IG kasi tyak pagtutulung tulungan ka to the point na namemersonal na. Ganyan ata impluwensya ni Du30,” said one guy.

“Im not for LP or mayor duterte pero this is so effing true! Duterte followers are…. i cant even…!” said another guy. One Mo supporter agreed and said, “I think rational is a better term. He is rational, logical and uses common sense.

Duterte supporters are blinded by what he did in Davao. What worked in Davao may not work for the rest of the country. “Ang mga Pilipino masyadong pinapahalagahan ang kalayaan.

If Duterte sits in office and starts implementing his laws, I bet you the people who voted for him will be the first ones to oppose.”

Ina ako ni Daniel, karapatan kong makialam sa buhay niya!





Sa wakas, nagsalita na rin si Karla Estrada sa mga akusasyon sa kanya ng ilang bashers na gamit na gamit na nito ang anak na si Daniel Padilla sa mga pansariling kapakanan.

Sa panayam ng Tonight With Boy Abunda last Friday, sinabi ni Karla na siya ang nanay ni Daniel kaya may karapatan siyang “gamitin” ang anak para sa ikauunlad nito pati na ng kanilang pamilya.

Sey ng tinaguriang Queen Mother, “Hindi ba mas mahirap kung gamitin mo ang ibang tao?” “Kung anak ko iyon wala tayong karapatan sabihing ginagamit ko, dahil unang una ako nagdala nun ng isang buwan.

So kung ano man ang gusto ko gawin para sa kabutihan niya, ako lang ang may karapatan nu’n,” hirit pa ng singer-actress. “So kung sumunod-sunod man ako sa kanya at lagi niya akong kasama, ina niya ako wala na akong magagawa doon at hindi na nating maibabago iyon,” dagdag pa nito.

Samantala, tinanong din ni Boy Abunda ang nanay ni Daniel tungkol sa relasyon nila ng kanyang boyfriend na si Mark Yatco. Inamin nitong napag-uusapan na rin nila ang kasal pero feeling niya hindi pa ito ang tamang panahon.

“Of course we talk about it. Nasa 40s na kami eh. Hindi nanaman kami mga bata. Pero ganoon pala iyon, mas pinaplano, mas hindi namamadali kasi mas alam ninyo na at mas nag-iisip na kayo,” paliwanag pa ni Karla.

Miguel, Bianca hihingi ng tulong kina Alden at Yaya


HIHINGI ng tulong ang Kapuso loveteam na sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali kay Alden Richards para i-promote 

ang bago nilang teleserye sa GMA 7, ang Wish I May.

Ito ang unang pasabog ng Kapuso network sa pagpasok ng 2016 kaya naman very thankful ang BiGuel loveteam dahil 

sila na naman ang pambuena-manong handog ng GMA sa Bagong Taon.

Noong Enero, ang serye nilang Once Upon A Kiss ang naging opening salvo ng Siyete na tumagal din nang ilang 

buwan. Nakachika namin ang dalawang bagets sa pocket presscon ng Wish I May nitong Biyernes, at ayon kay Miguel, 

medyo mature at malalim ang tema ng bago nilang teleserye kaya tiyak daw na maninibago ang kanilang mga 

tagasuporta.

At dahil nga kanta ni Alden ang titulo ng kanilang serye ay natanong namin ang magka-loveteam kung hindi pa ba 

sila nakakatanggap ng pamba-bash mula sa AlDub fans dahil nga inakala nilang ang Pambansang Bae at si Maine 

Mendoza ang magbibida rito.

Ilang beses nang kinanta ng AlDub ang “Wish I May” at sila rin ang bida sa MTV nito kaya naman marami sa

kanilang tagahanga ang umasa na ito na rin ang magiging title ng first teleserye nina Alden at Maine.

Pero sey nina Miguel at Bianca, so far naman daw ay wala pang namba-bash sa kanila, “Wala naman po and sana

wala. Siguro kung mag-bash ang AlDub sa amin, ang dami naman!”

Sey naman ni Bianca, sana naman daw ay hindi magalit sa kanila ang milyun-milyong supporters ng AlDub, trabaho

lang naman daw ito, “Tsaka kami ni Miguel, super fan din kami ng AlDub.”

Singit naman ni Miguel, kung mabibigyan ng chance gusto niyang makausap si Alden para humingi ng tulong sa promo

ng kanilang teleserye na nakatakda nang magsimula sa Jan. 18, 2016, “Kuya Alden, i-promote mo naman kami!”

At dahil nga ang serye nila ang napili ng GMA na maging unang pasabog ng network sa 2016, sey ni Bianca, “Very

thankful kasi two years in a row, maganda ang start ng year namin.”

Chika naman ni Miguel, “Thankful po sa GMA dahil binibigyan kami ng ganitong project na minsan lang po maka-

encounter ng ganito. Iba ang tiwala nila sa amin at iba ang tiwala namin sa kanila.”

Natanong din ang BiGuel kung payag ba silang magkaroon ng ibang ka-loveteam pagkatapos ng Wish I May? “Mas

preferred ko, personally, yung kaming dalawa siyempre. Kasi talagang iba na yung level of comfort and trust

bilang co-workers and co-actors.

Pero open pa rin kaming dalawa on being partnered sa ibang actors,” sagot ni Bianca. Para naman kay Miguel, “Mas

preferred ko rin si Bianca. Kasi kung ipa-partner ako sa iba, back to zero na naman po.

Ibi-build ang relationship. Tsaka bukod du’n, masaya ako na katrabaho si Bianca kaya preferred ko siya.” Ang

Wish I May ang papalit sa afternoon series ng GMA na The Half Sisters na mahigit isang taon na ring umeere.

Makakasama rin dito sina Camille Prats, Alessandra de Rossi, Mark Herras at marami pang iba.
Samantala, tungkol naman sa kanilang personal lives, we asked the two bagets kung may “something” nang namumuo

sa pagitan nila dahil kitang-kita namin kung paano nila alagaan at protektahan ang bawat isa.

Sa katunayan, wala silang keber na magsubuan sa harap ng press. Sey ni Miguel, wala pa sa priorities nila ni

Bianca ang magseryoso sa lovelife, bukod daw kasi sa bata pa sila, gusto nilang tutukan muna ang kanilang career

at siyempre ang kanilang pag-aaral.

Darating at darating naman daw ang tamang panahon para sa seryosong commitment.

Kris suko na sa pag-ibig: Mukhang di na talaga ako magmamahal uli!




“If this is my last night with you
“Hold me like I’m more than just a friend
“Give me a memory I can use
“Take me by the hand while we do what lovers do
“It matters how this ends
“Cause what if I never love again?”

Then, she posted this message: “Sumesenti… So I reflected why I am so affected by this song… It’s simple, 

because I think I’m likely to never fall in love again (I’ll expound on WHY in the FUTURE.)

“And yes, many years ago I did experience a good ending, although at that time I thought it was finally our 

beginning…Granted we never saw each other again as ‘lovers’ although we’re the classic ill-fated textbook 

example, and we never had ‘closure’ – but I can always look back on the memory and smile.

“And sometimes shed a happy tear. There was a bracelet with a heart, and a card that said (I’m sorry paraphrase 

na lang ito because it was a super long time ago), ‘My one wish has always been you, and tonight it finally came 

true.’”

Akala ko ba Kris “all you need is pag-ibig?” Why give up on love? Anyway, si mayor Herbert Bautista na naman 

kaya ang tinutukoy niya sa post niyang ito?

Malamang dahil si Bistek lang naman ang guy na nababalitang until now ay affected pa rin si Kris na recently ay 

nagpadala pa raw ng buong lechon as TV host-actress as advanced Christmas gift. Ayaw ni Bimby ng ganyan

Pacman, Kris, Sharon, Lloydie, Anne, Bossing, Piolo milyones ang ibinayad na buwis sa BIR




BUKOD sa Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao, pasok din ang iba pang kilalang celebrities sa listahan ng 

highest taxpayers sa bansa noong nakaraang taon.

Si Pacman ang second highest taxpayer sa Pilipinas noong 2014, base na rin sa inilabas na listahan ng Bureau of 

Internal Revenue’s ng top 500 individual taxpayers. Nagbayad ng P210,305,927 buwis si Pacquiao last year.

Hindi naman nagpakabog ang Queen Of All Media na si Kris Aquino na nasa ikaanim na pwesto. Umabot naman sa 

P54,530,635 tax ang ibinayad ng TV host-actress. Nasa 13th spot naman si Megastar Sharon Cuneta na nagbayad ng 

P49,117,122 habang 22nd highest taxpayer naman ang Kapamilya leading man na si John Lloyd Cruz na nagbayad ng 

P37,701,343 buwis. Si Anne Curtis ang nasa ika-32 pwesto na nagbayad ng P31,465,873.

Nasa listahan din ang TV host-comedian na si Vic Sotto na nagbayad ng kabuuang P27,001,073, 45th highest 

taxpayer ng 2014 si Bossing. Nagbayad naman ang Box-office King na si Piolo Pascual ng kabuuang P26,423,395 sa 

buwis kaya siya ang nakakuha ng 48th spot sa mga highest taxpayer ng bansa, habang nasa ika-66 pwesto ang 

Teleserye King na si Coco Martin with P22,017,644.

Ang Pop Queen na si Sarah Geronimo ang nasa ika-72 puwesto matapos magbayad ng P21,471,618.
Derek Ramsay on the other hand was ranked 90th highest taxpayer with paid taxes worth P20,022,099 habang ang 

Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ang nasa ika-98 pwesto with P19,000,949.

Ang iba pang artista na nakapasok sa Top 500 highest taxpayer ng bansa ay sina Bea Alonzo (ika-112 na nagbayad 

ng P17,323,425); Michael V (121st, P16,736,485); Judy Ann Santos (nasa ika-133 pwesto with P15,964,435); Vice 

Ganda (137th, P15,762,986); Joey de Leon (ika-185, P12,903,144); Kim Chiu (187th with P12,798,376); Toni Gonzaga 

(nagbayad ng P12,666,734 at nasa ika-192 pwesto); Robin Padilla (197th spot with P12,574,707); Richard Yap 

(310th highest taxpayer with P9,401,779 310); Jodi Sta. Maria (381st with P8,369,917); Daniel Padilla (nagbayad 

ng P8,278,942 at nasa ika-392 pwesto); Kathryn Bernardo (P8,027,238, 414th highest taxpayer); at Heart 

Evangelista (nasa ika-445 pwesto with P7,681,435).

Samantala, ang outgoing presidente naman ng ABS-CBN na si Charo Santos-Concio ang 101st highest taxpayer, 

nagbayad siya ng P18,764,317 sa BIR habang ang award-winning broadcast journalist naman na si Jessica Soho ang 

nasa 344th post with P8,935,893.