Gusto namin ang attitude ng Kapamilya singer-actor na si Marlo Mortel. Matagal na nating nasusulat ang masaya at maganda naming experience kay Marlo kaya’t naniniwala kaming hindi siya nagtatanim ng galit o sama ng loob.
Sa tagumpay ng MMFF entry niyang “Haunted Mansion” kasama si Janella Salvador, posibleng magkasama uli sila ng Kapamilya teen star sa pelikula matapos ngang buwagin ng ABS-CBN management ang loveteam nila.
Busy ngayon si Marlo sa trabaho. Halos araw-araw ay napapanood siya sa Umagang Kay Ganda at Kris TV bilang co-host na bagay naman sa kanya. In fairness, refreshing ang aura ng binata sa dalawang morning show ng Dos.
Mas dumami pa nga ang fans niyang beki na tumututok talaga sa kanyang morning shows. Marami rin siyang mga singing gigs outside Metro Manila gaya ng Bulacan, Bicol, Antipolo at iba pang lugar kung saan nakasama rin kami.
“Wala na lang negative Kuya Ambet. Mas nakaka-attract ng positive vibes kapag may tiwala at pagmamahal ka sa ginagawa mo. Chill lang,” sey pa ng magaling at mabait na singer-actor-host sa amin tungkol sa paghihiwalay nila ni Janella bilang magka-loveteam.
No comments:
Post a Comment