Showing posts with label Ambet Nabus. Show all posts
Showing posts with label Ambet Nabus. Show all posts

Tuesday, July 5, 2016

JM De Guzman baliw na baliw pa rin kay Jessy: Akin ka na lang!!!





HALA, mukha ngang si Jessy Mendiola ang pinatutungkulan ng mga latest video uploads ni JM de Guzman singing “hugot” songs.

Nauna na riyan ang “When I Was Your Man” na nag-viral last weekend na paniwala ng marami ay parang pagsisisi ng aktor sa break-up nila ni Jessy. Sinundan pa ito ng kanyang version ng “Akin Ka Na Lang.”

Super init ang name ni Jessy ngayon lalo na nang i-announce na siya ang nanalo bilang 2016 FHM’s Sexiest Woman bukod pa iyan sa chikang nagkakamabutihan na sila ni Luis Manzano (na feeling namin ay magdyowa na).

Uso nga yata sa mga panahong ito ang mga “ex” na hirap na hirap maka-move on sa kanilang break-up. Ha-hahaha Nauna na riyan si Angel Locsin na naglitanya rin about recently about Luis at umaming hindi pa rin siya completely healed sa hiwalayan nila ng ating ampon, at eto nga si JM, na idinaan pa sa kanta ang feelings!


Monday, January 25, 2016

Andre mas feel dyowain si Barbie kesa kay Yassi



MALIIT na bagay,” ang pabaklang sey ni Barbie Forteza nang mag-thank you kami sa ibinigay niyang mug mula sa Starbucks bilang bahagi ng kanyang loot bag para sa members of the press.
“Marunong ka na talaga. Ikaw na!” ganting tsika namin sa gesture ng halos hindi nababakanteng young star ng GMA 7. After kasing tumakbo ng halos two years sa ere ang The Half Sisters, agad-agad siyang bibida kasama ang ka-loveteam niyang si Andre Paras sa primetime series na That’s My Amboy.
“When it rains it pours po talaga. Kaya mas sisipagan ko pa po,” sey ng bungisngis na si Barbie na umaming masayang mag-share ng “maliliit” na bagay sa mga taong walang sawang sumusuporta sa kanya.
Very grateful si Barbie sa pagtitiwala sa kanya ng network at masaya rin siyang well-admired and followed ang tandem nila ni Andre kahit pa sa nga may iba pa itong ka-loveteam bukod sa kanya.
“Ganu’n po talaga. Thankful na rin ako na mature na ang mga fans namin. Paano na lang kung hindi kami klik, baka kahit yema ay wala akong maibigay sa inyo,” ang muling hagikhik ng dalaga sabay hirit na matagumpay nga ang “yema business” na pinuhunanan niya with her mom and aunt lalo na raw noong nakaraang holidays.
Abangan daw natin ang susunod na business venture na papasukin niya at ang kakaibang Barbie na magpapatawa at magpapaiyak sa atin sa That’s My Amboy na nagsimula na kahapon sa GMA Telebabad.
Yes, nag-level up na nga ang AnBie loveteam dahil after nilang maging hari at reyna sa hapon dahil sa tagumpay ng Half Sisters susubukan naman ang powers nila sa primetime.
“Mature at matatalino na po sila,” sagot naman ni Andre Paras sa amin hinggil sa pagtanggap ng kanyang fans sa tandem nila ni Barbie sa TV at sa loveteam nila ni Yassi Pressman sa movies.
Kaya nga raw maingat sila sa pagtanggap ng mga project dahil dito, “We see to it that every project is different and every detail of our character is made as almost tailored or fit sa amin.
Halimbawa po, pag ang role ay na-identify na sa isa, dapat iba na yung sa isa. Salamat naman po that it works well dahil maganda ang reception ng audience,” paliwanag ng batang aktor na isa nga sa pinakamatagumpay ngayon sa bakuran ng GMA 7.
Sunod-sunod din ang projects ni Andre sa pagsisimula pa lang ng 2016. Lucky nga raw siya dahil on both TV and movies ay sinusuportahan siya ng publiko. Very soon nga ay ipalalabas na rin ang “Girlfriend for Hire” movie niya with Yassi under Viva Films.
Kaya naman nang itanong namin kung sino between Barbie and Yassi ang talagang nagpapakilig at nagbibigay ng saya sa kanya, “Magkaiba man sila pero one for thing is for sure, sila yung papangarapin mong makasama talaga.”
Pero sa isang banda, nagbigay siya ng clue na since mas matagal ang TV show kesa sa movie, mas nagtatagal daw ang kilig at saya with someone like Barbie. Meaning mas posibleng maging sila ni Barbie in real life!

Wednesday, January 13, 2016

Marlo Mortel pinagnanasahan ng mga beki dahil sa UKG at Kris TV


Gusto namin ang attitude ng Kapamilya singer-actor na si Marlo Mortel. Matagal na nating nasusulat ang masaya at maganda naming experience kay Marlo kaya’t naniniwala kaming hindi siya nagtatanim ng galit o sama ng loob.

Sa tagumpay ng MMFF entry niyang “Haunted Mansion” kasama si Janella Salvador, posibleng magkasama uli sila ng Kapamilya teen star sa pelikula matapos ngang buwagin ng ABS-CBN management ang loveteam nila.

Busy ngayon si Marlo sa trabaho. Halos araw-araw ay napapanood siya sa Umagang Kay Ganda at Kris TV bilang co-host na bagay naman sa kanya. In fairness, refreshing ang aura ng binata sa dalawang morning show ng Dos.

Mas dumami pa nga ang fans niyang beki na tumututok talaga sa kanyang morning shows. Marami rin siyang mga singing gigs outside Metro Manila gaya ng Bulacan, Bicol, Antipolo at iba pang lugar kung saan nakasama rin kami.

“Wala na lang negative Kuya Ambet. Mas nakaka-attract ng positive vibes kapag may tiwala at pagmamahal ka sa ginagawa mo. Chill lang,” sey pa ng magaling at mabait na singer-actor-host sa amin tungkol sa paghihiwalay nila ni Janella bilang magka-loveteam.



Wednesday, December 16, 2015

Gerald maraming pinaiyak, pang-best actor ang pagganap na beki sa MMK,





SIGURADO naman kaming mabibigyan ng acting award si Gerald Anderson dahil sa husay ng kanyang pagganap bilang isang bading na public school teacher na 

nagkaroon ng isang pambihirang sakit, ang X-linked Dystonia Parkinsonism (XDP) o ang Lubag Syndrome sa Maalaala Mo Kaya last Saturday.

Isa itong sakit na nakakaapekto sa galaw at pagsasalita ng isang tao. Aaminin namin kapatid na Ervin, medyo matagal-tagal na ring panahon na hindi kami 

umiyak sa isang MMK episode, pero noong Sabado ay talagang napaluha kami nang bonggang-bongga. Nakikisimpatiya kami sa tunay na letter sender na si Bert 

Mendoza, na dinagsa agad ng suporta mula sa kanyang former students.

Napakagaling ni Gerald kahit sa mga simpleng tingin nito. Feel na feel din namin ang pagmamahal niya sa kanyang pamilya, lalo na sa nanay niyang 

“carrier” din ng naturang karamdaman played by Snooky Serna.

Kaya naman nakikiisa rin kami sa pagbibigay tulong sa mga biktima ng XDP na ngayon nga’y nabigyan ng mukha ng dahil sa kasaysayan ni Bert Mendoza at 

mayroon na ngang panawagan ang MMK at ang ABS-CBN sa lahat ng nagnanais sumuporta para sa mga biktima nito.

Tuesday, December 15, 2015

Gary nasasaktan para kay Gab, ayaw tantanan ng bashers




BIKTIMA rin ang mag-asawang Gary Valenciano at Angeli Pangilinan ng grabeng pamba-bash sa social media dahil pa rin sa pagkontra ng anak nilang si Gab sa pagtakbong presidente ni Rodrigo Duterte sa 2016.

Hindi pa rin kasi tumitigil ang panlalait at pambabastos ng netizens kay Gab na nasa USA ngayon nang dahil sa opinyon nito sa pagiging palamura at pagiging babaero ni Duterte. Kaya naman, ipinagtanggol na siya ng kanyang mga magulang laban sa bashers.

Though cool na cool pa rin ang mga pinakawalang mensahe nina Gary at Angeli sa mga nang-ookray kay Gab, mararamdaman mo ang kanilang pagkadismaya bilang mga magulang. At dahil nga rito, may mga lumang isyu pang binuhay ng mga bashers tungkol sa mag-asawa at sa kanilang mga anak.

Pero noong nakaraang finals night ng Your Face Sounds Familiar hindi mo makikita kay Gary na meron itong pinagdaraanan dahil tila unaffected naman ito sa isyu.

Saturday, December 12, 2015

Bossing: Ang MMFF entry po namin ang tunay na kilig, hindi lang puro pakyut!




Ito rin talaga ang panahon nina Alden Richards at Maine Mendoza. We saw and felt their popularity during the presscon of their MMFF entry “My Bebe Love: KiligPaMore”, kasama sina Ai Ai delas Alas at Vic Sotto with Valeen Montenegro.

Given na siyempre na pagkaguluhan sina Ai Ai at Bossing, pero hindi maitatago ang katotohanang sa pag-alis ng tandem sa presscon (dahil mayroon daw prior commitment) eh, nawala na rin ang karamihan sa mga colleague natin na gaya namin ay first time lang nakita at nakapanayam ang AlDub na magkasama.

Kaya nga bilib kami sa sey ni Bossing na paninindigan na lang nila ang sinasabi ng marami na sila ang mag-na-number one sa box-office nang dahil sa presence nina Alden at Maine.

“Lagi namang ganu’n kada taon. Masarap pakinggan na mag-number one, pero mas masarap panoorin ang entry namin dahil ito ang totoong kilig movie. Hindi nagpapakyut lang,” hirit pa ni Bossing Vic.

Hmmmmm, may ganu’n! Ha-hahahaha!!! Anyway, hintayin na lang natin ang Dec. 25 at sabay-sabay nating panoorin ang “My Bebe Love”.