BALITANG-ARTISTA

Tuesday, December 15, 2015

Gary nasasaktan para kay Gab, ayaw tantanan ng bashers




BIKTIMA rin ang mag-asawang Gary Valenciano at Angeli Pangilinan ng grabeng pamba-bash sa social media dahil pa rin sa pagkontra ng anak nilang si Gab sa pagtakbong presidente ni Rodrigo Duterte sa 2016.

Hindi pa rin kasi tumitigil ang panlalait at pambabastos ng netizens kay Gab na nasa USA ngayon nang dahil sa opinyon nito sa pagiging palamura at pagiging babaero ni Duterte. Kaya naman, ipinagtanggol na siya ng kanyang mga magulang laban sa bashers.

Though cool na cool pa rin ang mga pinakawalang mensahe nina Gary at Angeli sa mga nang-ookray kay Gab, mararamdaman mo ang kanilang pagkadismaya bilang mga magulang. At dahil nga rito, may mga lumang isyu pang binuhay ng mga bashers tungkol sa mag-asawa at sa kanilang mga anak.

Pero noong nakaraang finals night ng Your Face Sounds Familiar hindi mo makikita kay Gary na meron itong pinagdaraanan dahil tila unaffected naman ito sa isyu.

No comments:

Post a Comment