BUKOD sa Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao, pasok din ang iba pang kilalang celebrities sa listahan ng
highest taxpayers sa bansa noong nakaraang taon.
Si Pacman ang second highest taxpayer sa Pilipinas noong 2014, base na rin sa inilabas na listahan ng Bureau of
Internal Revenue’s ng top 500 individual taxpayers. Nagbayad ng P210,305,927 buwis si Pacquiao last year.
Hindi naman nagpakabog ang Queen Of All Media na si Kris Aquino na nasa ikaanim na pwesto. Umabot naman sa
P54,530,635 tax ang ibinayad ng TV host-actress. Nasa 13th spot naman si Megastar Sharon Cuneta na nagbayad ng
P49,117,122 habang 22nd highest taxpayer naman ang Kapamilya leading man na si John Lloyd Cruz na nagbayad ng
P37,701,343 buwis. Si Anne Curtis ang nasa ika-32 pwesto na nagbayad ng P31,465,873.
Nasa listahan din ang TV host-comedian na si Vic Sotto na nagbayad ng kabuuang P27,001,073, 45th highest
taxpayer ng 2014 si Bossing. Nagbayad naman ang Box-office King na si Piolo Pascual ng kabuuang P26,423,395 sa
buwis kaya siya ang nakakuha ng 48th spot sa mga highest taxpayer ng bansa, habang nasa ika-66 pwesto ang
Teleserye King na si Coco Martin with P22,017,644.
Ang Pop Queen na si Sarah Geronimo ang nasa ika-72 puwesto matapos magbayad ng P21,471,618.
Derek Ramsay on the other hand was ranked 90th highest taxpayer with paid taxes worth P20,022,099 habang ang
Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ang nasa ika-98 pwesto with P19,000,949.
Ang iba pang artista na nakapasok sa Top 500 highest taxpayer ng bansa ay sina Bea Alonzo (ika-112 na nagbayad
ng P17,323,425); Michael V (121st, P16,736,485); Judy Ann Santos (nasa ika-133 pwesto with P15,964,435); Vice
Ganda (137th, P15,762,986); Joey de Leon (ika-185, P12,903,144); Kim Chiu (187th with P12,798,376); Toni Gonzaga
(nagbayad ng P12,666,734 at nasa ika-192 pwesto); Robin Padilla (197th spot with P12,574,707); Richard Yap
(310th highest taxpayer with P9,401,779 310); Jodi Sta. Maria (381st with P8,369,917); Daniel Padilla (nagbayad
ng P8,278,942 at nasa ika-392 pwesto); Kathryn Bernardo (P8,027,238, 414th highest taxpayer); at Heart
Evangelista (nasa ika-445 pwesto with P7,681,435).
Samantala, ang outgoing presidente naman ng ABS-CBN na si Charo Santos-Concio ang 101st highest taxpayer,
nagbayad siya ng P18,764,317 sa BIR habang ang award-winning broadcast journalist naman na si Jessica Soho ang
nasa 344th post with P8,935,893.
No comments:
Post a Comment