BALITANG-ARTISTA

Wednesday, December 16, 2015

Maine may pinatunayan sa bashers matapos mag-sorry kay Julie Anne




MAGANDA para sa imahe ni Maine Mendoza ang ginawa niyang paglapit kay Julie Anne San Jose nang mag-guest siya nu’ng Linggo nang tanghali sa Sunday 

PinaSaya.

Ang pagpapakumbaba, sa anumang paraan ginawa, ay palaging positibo. Pagdudahan man ng iba ang motibo ay hindi na mahalaga, ang importante ay ang unang 

pagkilos, ang panghihingi ng paumanhin.

Kung matatandaan ay pinag-initan ng mga tagahanga nina Alden Richards at Yaya Dub si Julie Anne dahil sa maling impormasyong nasabi ng isang direktor 

tungkol sa relasyon ng actress-singer at ni Alden.

Malinaw na ang isyu, dahil nanghingi na ng paumanhin ang direktor, halos sabayang nagdenay sina Alden at Julie Anne, kaya tapos na sana ang kuwento.

Pero may mga tagahanga pa rin ang AlDub na naging emosyonal, binash nang binash ng mga ito si Julie Anne, pinagsabihan ng kung anu-anong salita.

Alam ‘yun ni Maine, kaya nu’ng Linggo sa Sunday PinaSaya ay siya na mismo ang lumapit kay Julie Anne para makipag-usap, siya na ang humingi ng dispensa 

kung nadamay man ang singer-actress sa isyung wala naman talagang isyu kung tutuusin.

Plus one para kay Maine Mendoza ang kanyang ginawa. Pambalanse ‘yun sa mga kuwentong naglalabasan ngayon tungkol sa kanyang pagkamahiyain na 

napagkakamalang pagmamaldita.

No comments:

Post a Comment