‘Gusto kong gumanap na tatay at magdrama!’
BAWAL nang makipaghalikan at makipag-love scene si Robin Padilla sa mga gagawin niyang pelikula o teleserye.
Kamakailan ay pumirma na ng kontrata si Binoe sa Kapamilya network para sa ilang proyekto at inamin niyang super excited na siya sa mga nakatakda niyang
gawin sa ABS-CBN matapos ang ilang taong pagtatrabaho sa TV5.
Nang tanungin kung sinu-sino ang gusto niyang makasama sa mga gagawin niyang project sa Dos, kahit daw sino ay welcome, alam naman niyang magagaling ang
lahat ng artista sa Kapamilya network.
Pero ang hiling niya sa mga bossing ng istasyon, “Ako naman ang lagi kong pinapakiusap sa pamunuan ng ABS, ‘yung father and son or father and daughter.”
Hangga’t maaari raw ay pahinga muna siya sa mga proyektong kailangan ng mga maiinit na eksena, “Sa mga leading lady strict ang parents ko eh. Bawal na
ang kissing scene. Family-oriented muna. Mas gusto ko muna ang family drama.”
Ang huling proyekto niya sa ABS-CBN bago siya lumipat sa TV5 ay ang sitcom nila ni Angel Locsin na TodaMax at wala raw problema sa kanya kung magtambal
uli sila ng girlfriend ni Luis Manzano, “Oo kasi hindi pa kami nakakagawa ng drama.”
Nagpakita naman ng concern ang mister ni Mariel Rodriguez kay Angel matapos itong maoperahan sa kanyang likod. Nanghihinayang din siya na hindi na
magagawa ng aktres ang pelikulang “Darna”.
“Tsaka nalulungkot rin naman ako sa naganap sa likod niya. Alam mo para sa akin, sa lahat ng nabahagian ko ng training sa martial arts, siya talaga ang
nakita kong may potential.
“Pero siyempre tapos na ‘yun kasi mas magi-ging masaya siya sa decision niya. Kung sino man ‘yung magiging Darna isipin nalang natin sana maging kasing
ga-ling ni Angel,” dagdag na pahayag pa ni Robin sa isang panayam.
Bukod kay Robin, balik-Kapamilya na rin ang asawa nitong si Mariel Rodriguez. Wala pang detalye kung anu-anong proyekto ang gagawin ni Mariel sa 2016,
pero sabi ng TV host-actress, excited na siya sa mga naka-line up na shows na gagawin niya next year.
No comments:
Post a Comment