BALITANG-ARTISTA

Saturday, December 19, 2015

Ina ako ni Daniel, karapatan kong makialam sa buhay niya!





Sa wakas, nagsalita na rin si Karla Estrada sa mga akusasyon sa kanya ng ilang bashers na gamit na gamit na nito ang anak na si Daniel Padilla sa mga pansariling kapakanan.

Sa panayam ng Tonight With Boy Abunda last Friday, sinabi ni Karla na siya ang nanay ni Daniel kaya may karapatan siyang “gamitin” ang anak para sa ikauunlad nito pati na ng kanilang pamilya.

Sey ng tinaguriang Queen Mother, “Hindi ba mas mahirap kung gamitin mo ang ibang tao?” “Kung anak ko iyon wala tayong karapatan sabihing ginagamit ko, dahil unang una ako nagdala nun ng isang buwan.

So kung ano man ang gusto ko gawin para sa kabutihan niya, ako lang ang may karapatan nu’n,” hirit pa ng singer-actress. “So kung sumunod-sunod man ako sa kanya at lagi niya akong kasama, ina niya ako wala na akong magagawa doon at hindi na nating maibabago iyon,” dagdag pa nito.

Samantala, tinanong din ni Boy Abunda ang nanay ni Daniel tungkol sa relasyon nila ng kanyang boyfriend na si Mark Yatco. Inamin nitong napag-uusapan na rin nila ang kasal pero feeling niya hindi pa ito ang tamang panahon.

“Of course we talk about it. Nasa 40s na kami eh. Hindi nanaman kami mga bata. Pero ganoon pala iyon, mas pinaplano, mas hindi namamadali kasi mas alam ninyo na at mas nag-iisip na kayo,” paliwanag pa ni Karla.

No comments:

Post a Comment