otoong-totoo na ang mga komedyante ang pinakaemosyonal. Naturingang nagpapasaya sila ng manonood pero sila kung tutuusin ang mga pinakaseryoso sa buhay.
Marami na kaming nakilalang komedyante na halos maihi na sa katatawa ang mga manonood sa kanila, pero pagkatapos ng palabas, sila ang pinakamalungkot na tao sa mundo.
Comedy Concert Queen ang titulong hawak ni Ai Ai delas Alas, walang makatatalo sa kanya sa mundo ng pagko-concert sa malalaking venue, siya ang unang komedyanang nagpaapaw sa higanteng Araneta Coliseum.
Bilyon ang iniakyat niya sa Star Cinema dahil sa mga pelikula niyang kahit bagyo pa ay pinipilahan sa takilya, pero dumating ang panahong tumamlay ang kanyang career, pakiramdam niya nu’n ay siya na ang pinakakawawang artista sa balat ng lupa.
Pero dahil maganda ang kanyang puso at hindi siya kailanman bumitiw sa paniniwala na paghamon lang ang nagaganap sa kanyang propesyon, muling namulaklak ang kanyang career, poste siya ngayon ng mga programa ng GMA 7.
At kung gaano nawala sa kanya ang maraming oportunidad nu’n ay sabay-sabay ring nagbalikan sa kanya ang suwerte. Telebisyon, concert, pelikula. Hawak na uli lahat ni Ai Ai ang pansamantalang nawala sa kanya.
Kaya ang dami-dami niyang dapat ipagpasalamat sa Diyos, ang kanyang kaibigan na kailanman ay hindi nang-iwan sa kanya, buhay na patotoo si Ai Ai delas Alas ng isang personalidad na hindi humihingi kundi marunong ding magbalik ng pasasalamat.
No comments:
Post a Comment