Showing posts with label Maine Mendoza. Show all posts
Showing posts with label Maine Mendoza. Show all posts

Tuesday, July 5, 2016

Alden Maine umamin na sa tunay na relasyon



MAS naging strong ang relasyon nina Alden Richards at Maine Mendoza makalipas ang halos isang taong pagiging magka-loveteam.

Ngayong July, magse-celebrate na sila ng kanilang first anniversary at isa nga sa mga regalo nila sa AlDub Nation ay ang first solo movie nilang “Imagine You And Me” showing na sa July 13. At sa nakaraang presscon nga ng kanilang movie, natanong ang dalawa kung may relasyon na ba sila?

“Opo,” agad na sagot ni Alden. “Alam niyo na po yun, mutual po, nagkakaintindihan kami,” paglilinaw ng Pambansang Bae. Hirit naman ni Maine, “Father-and-son relationship, kuya-and-ate relationship.” Na sinagot naman ni Alden ng, “Yung naging process po kasi namin for one year, ganun din po sa movie. Parang roller-coaster, up and down, paikut-ikot; minsan steady, minsan hindi.

“Kumbaga, nari-realize po namin na kung ano po ang naging relationship namin, nakatulong po yung mga pinagdaanan namin all throughout,” anang binata. “Parang naging strong kami, ganoon kami ka-strong,” chika naman ni Yaya Dub. Dagdag pa ng dalaga, kung sila talaga ni Alden sa huli, walang makapipigil nu’n, at hindi na nila ‘yun makokontrol.

Anyway, makakasama rin sa “Imagine You And Me” ang mga komedyanteng sina Cai Cortez at Kakai Bautista with Jasmine Curtis, sa direksiyon ni Mike Tuviera.

Sunday, July 3, 2016

Maine sa relasyon nila ni Alden: Kung kami ang para sa isa’t isa, kami talaga!



AlDub payag magkaroon ng ibang ka-loveteam, pero....
NAPAHANGA kami ni Maine Mendoza dahil ang husay niyang sumagot sa mga tanong sa nakaraang presscon ng pelikulang “Imagine You And Me” ng APT Entertainment, M-ZET TV at GMA Films mula sa direksyon ni Mike Tuviera.

Sa Italy kinunan ang halos kabuuan ng movie bagay na nakadagdag ganda sa pelikula, ito na kasi ang uso nga-yon para pang-akit na rin sa manonood. Sabi nga ng ka-loveteam ni Alden Richards, “Yung mga sceneries, ang ganda po ng locations namin, isa po ‘yun sa highlights ng pelikula.”

Anyway, inamin ni Maine na sobrang pressure sila ni Alden sa una nilang pelilkula dahil hindi raw porke’t napuno nila ang Philippine Arena sa “Tamang Panahong” event ng Eat Bulaga ay hindi ibig sabihin na magi-ging kampante na sila sa “Ima-gine You And Me.”

“Hindi po mawawala ang pressure o ka ba talaga sa outcome ng movie kasi maski po kami kinakabahan talaga kung anong kalalabasan. Sigurado naman po ako na magiging maganda ito since maganda naman ang istorya at talagang pinaghirapan po ito nina direk at kami po lahat,” sabi ni Maine.

Sabi naman Alden, “Opo (pressured), sa lahat naman ng ganitong nangyari sa buhay ng mga tao especially po sa amin ni Maine as loveteam is after ‘Tamang Panahon,’ the second biggest break po of our loveteam. Excited po kami at kinakabahan kasi ang taas po ng expectation ng mga tao.” Hirit pa ni Maine, “At abangan n’yo po ‘yung twist ng pelikula kasi ‘yung sa trailer patikim pa lang po i-yon.”

Samantala, natanong si Maine kung okay lang bang i-partner sa iba si Alden, “Well, susuportahan ko naman po si Alden kung ano ang gagawin niya in the future after ng movie namin, susuportahan ko pa rin po siya kahit hindi ako ang kapartner niya.”

Kahit super sikat na ang AlDub loveteam ay hindi pa rin sila nawawalan ng bashers kaya ang tanong kung naapektuhan pa ba sila sa mga ito, “Well, sa akin ang lagi lang namang bina-bash sa akin ‘yung itsura ko, malaki ang bibig ko, malaki ang tiyan ko, na hindi ako makinis.

“Pero ‘yun, keri-keri lang ‘yun kasi Diyos ko, panlabas na itsura lang naman ‘yun.
Siguro ‘yung ano na lang, pag dinadamay ang family kasi wala naman silang kinalaman dito,” pahayag ni Maine. Diretsong tanong sa dalaga kung may relasyon na sila ni Alden dahil may mga couple’s ring at bracelet na sila, sagot ng dalaga, “Ay, hindi ko po isinusuot ‘yung bigay ni Alden, hindi ko po pinapakita.”

Ibinuking ni Alden na nawala raw ni Maine ‘yung bracelet niya na nakuha nila noong nag-birthday ang huli sa Boracay dahil kinain daw ng bibe sa isang park sa Italy. Seryosong sabi ni Alden, “Anything is possible naman. We’ll just go with the flow. If we’re bound to last 30, 50, 60 years, then it will happen.”

Sey naman ni Maine, “Ganu’n din po, lagi kong sinasabi, what’s meant to be will always find its way. Kung marami man po kaming pagdaanan ngayon, kung kami talaga, kami.” Samantala, hindi man diretsong inamin ni Maine, mukhang totoo ngang meron na siyang boyfriend dahil nu’ng tanungin siya kung in a relationship siya ngayon, hindi siya nakasagot nang diretso. Ang tanging nasabi niya ay, “Ahhh, tubig, tubig po (sabay taas ng baso)!”

Wednesday, December 16, 2015

Julie Anne napaiyak ng yakapin ni Maine


Image result for maine and julie anne




“HAVE a blessed Sunday guys. Spread the love, GV lang tayo.”

That was Julie Anne San Jose’s message to her fans. Of late, Julie Anne has been bashed all because rumors were floating that she is romancing Alden 

Richards.

Nang kumalat ang balita na galing pa raw mismo sa director ng Sunday Pinasaya na si Rich Ilustre, nagwala sa social media ang AlDub fans at binash nang 

husto si Julie Anne. Nabahala si-guro si Julie Anne nang mag-post ang isa niyang fan ng pagbabanta kay Maine.

“Punta uli ako ng Sunday Pinasaya sa Sunday! Mga Adiks, Ready na ba kayu? Ako den ready ng sabunutan anung pangalan ng aso ni alden? Maine Mendoza? Oo! 

Pag nakita ko yoon sa SPS kakalmutin ko un at sisipain plabas.

“Humanda ka pag kumalmot pa naman kami siguradong baon. Lagot talaga ka xamen sa sunday! Yang cinaxabi nilang maganda mong kutis? Bago ka umuwi durog 

nay an. Xana mag lingo na,” say ng basher na sinasabing avid fan ni Julie Anne.

Mukhang hindi na-inform ang nasabing fan na nagkaayos na ang idol niya at si Maine nang mag-guest ito sa Sunday PinaSaya noong Linggo. Balitang napaiyak 

pa raw si Julie Anne nang yakapin ni Maine na personal na nag-apologize sa pamba-bash ng AlDub.

Let’s see kung matatapos din ang away sa pagitan ng AlDub fans at ng mga supporters ni Julie Anne now na nagkaayos na sila.

Sunday, December 6, 2015

Yaya Dub halatang in love na in love na kay Alden


yaya dub

Agad-agad na “Of course! She’s single, I’m single,” ang naging sagot ni Alden Richards when asked kung puwedeng mauwi sa ligawan ang relasyon niya kay Maine.
But it seems it didn’t sit well to some netizens. Nagmukha kasing hindi sincere ang binata sa kanyang sagot. It appeared that his answer was just a mere pampakilig sa fans nila.

It was obvious daw kasi na sinasakyan lang niya ang ilusyon ng fans na pwedeng maging sila ni Maine.
“Suuss, parang robot tong si Alden ang sinasagot lng eh yong gustong marinig ng tao, u need to be honest kung feel mo talaga si Maine or hindi kasi base sa nakikita ko sa KS awkward sayo kapag nagpaparinig si yaya na halata naman na di kasama sa script.


“Be true lng para hindi masyadong masaktan mga fans. Ang hilig mo pa naman mag deny ng girls na lilink sayo,” say ng isang guy. Oo nga. Ilan na ba ang na-deny na girls in the past? Parang wala naman yata siyang inamin na nakarelasyon niya?

“Cut that too goody goody nice boy crapola alden. When you talk it’s almost like robotic. Just be yourself. Sometimes it’s annoying the way he answers all the questions. I’m a fan but it’s annoying when his answers are so saint-like.

“As if an angel and demon are next to you and you want to say good things because you’re afraid to be judged. So robotic as if you’re programmed to say it. Please answer the questions from the heart,” say naman ng isa pa na napaplastikan sa mga sagot ng binata.

“I feel sad for Alden’s situation. Kailangan nya talagang li-gawan at pag-aralang mahalin si maine kahit pilit lang. Masyado na kasing publicized ni Maine yung feelings nya kay Alden at gusto na nyang magpaligaw.
Bilang isang gentleman, ayaw nyang mapahiya si Yaya. “Kahapon nga sa KS biglang sinabi ni Maine ‘miss na kita, on cam at off cam’ tapos walang sagot si Alden humirit na lang ng joke. hahaha. Well, what to like ba naman about Maine?

“In the first place hindi naman sya talaga kagandahan pero may appeal naman sa masa kahit paano. 2nd wala pa syang ibang talent kundi dubsmash. Marami pa syang dapat pagdaanang workshop.

So ano ang pinaglalaban ng mga fantard nya? Yung pagiging REAL?” komento ng isa pa. We feel na there’s nothing romantic naman going on between them.

Sinasakyan lang nila ang trip ng kanilang fans and it is obvious na si Maine ang may gusto kay Alden and it’s not the other way around.