BALITANG-ARTISTA
-
▼
2016
(56)
-
▼
July
(23)
- Bashers nilagyan ng malisya ang viral photo nina P...
- Kean , enjoy magbading-badingan
- NAGWALA si Robin Padilla nang malaman niyang isa a...
- Angeline sa isyu ng kabadingan: Never akong nagdud...
- Sikreto nina Jay-R at Alma nabuking ni Jessica (2016)
- Pokwang makikilala na ang magulang ng American dyo...
- Jennylyn: Walang kumpetisyon sa amin ni Marian!
- Diego Loyzaga sa bashers, Tumalon na lang kayo sa ...
- Baste Duterte: Hindi porke may tattoo at hikaw ang...
- JM De Guzman baliw na baliw pa rin kay Jessy: Akin...
- Alden Maine umamin na sa tunay na relasyon
- Nanay ni Jessy sa bashers: Mga pakialamera kayo!
- Vice napikon sa panlalait ng basher, rumesbak: Sun...
- Maine, Alden tinalbugan sa Italy sina Brad Pitt, A...
- Kris wasak na ang kredibilidad pagdating sa pangako
- Dick Israel nasunugan, nangangailangan daw ng tulong
- Kiray, Enchong game na game sa lampungan at halikan
- Daniel, Kathryn sinugod ng mga fans sa Spain, pina...
- Maine sa relasyon nila ni Alden: Kung kami ang par...
- Nadine inokray, binastos ng hairstylist; JaDine fa...
- 2 member ng #Hashtag pasok sa bagong PBB
- I Love You To Death’ nina Enchong at Kiray binigya...
- Angel isinumpa: Gagapang na parang ahas, mawawasak...
Daniel, Kathryn sinugod ng mga fans sa Spain, pinagalitan ng mga pulis
HINDING-hindi malilimutan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang ilang araw nilang pagsu-shooting sa Spain para sa la-test movie nila under Star Cinema sa direksiyon ni Olivia Lamasan.
Kakauwi lang ng magdyowa sa Pilipinas galing Spain at balitang-balita na laging kinukuyog ang magka-loveteam ng kanilang mga fans kahit saan sila magpunta. Sinamantala rin ng KathNiel ang pamamasyal doon. “Nagkaroon kami ng off and hindi na nga namin kailangang umikot kasi du’n pa lang sa ginagawa naming movie e nakikita na namin yung buong Spain,” ani Daniel sa panayam ng ABS-CBN.
Kuwento pa ng binata, “Pag nanonood yung mga Filipino siyempre gustong tsumismis ng mga Espanyol…mababait naman ang mga Espanyol and ‘yung mga Fi-lipino hindi naman natin maiiwasang manood.
“Minsan kasi napapagalitan kami ng mga pulis dahil ang dami nila. So naano yung shoot namin kasi may oras lang yung shoot namin e,” dagdag pa ng aktor. Chika naman ni Kathryn, “Kasi yung permit baka bawiin sa amin kasi parang every day may time talaga kasi may mga sequence na kailangan siyang kunan, may plano.”
No comments:
Post a Comment