KUMALAT ang litrato ng character actor na si Dick Israel sa social media kahapon at sinasabing isa raw ito sa nabiktima ng sunog sa kanilang lugar kamakailan.
Isang nagngangalang Sidemiod Francisco Datanam ang nag-post ng litrato ng veteran actor sa Facebook nitong nagdaang Linggo na may caption na: “Sana mkatulong tayo. Idol Dick Israel nasunugan po siya sa Bagong Barrio Brgy 144 (Caloocan City). Pls. share.” Wala nang ibinigay na karagdagang detalye si Dataman tungkol sa kundisyon ngayon ni Dick bukod sa unti-unti na raw itong nakaka-recover mula sa naganap na sunog.
Pero sa pagkakaalam namin, tuluy-tuloy ang pagpapagamot ng aktor matapos siyang ma-stroke noong 2010. Balitang na-paralyze ang kalahating katawan ng 57-year-old na aktor at nagkaroon din ng problema sa pagsasalita.
Kung matatandaan, nagbigay pa ng tulong sa veteran actor ang ilang mga kasamahan niya sa industriya matapos siyang ma-stroke kabilang na riyan sina Lorna Tolentino, Christopher de Leon, John Lloyd Cruz, Bea Alonzo at marami pang iba.
Kung hindi kami nagkakamali, huling napanood si Dick I
No comments:
Post a Comment