Monday, July 11, 2016

Pokwang makikilala na ang magulang ng American dyowa, paplanuhin na ang kasal

NIRESPETO ni Pokwang ang pananahimik ni Melai Cantiveros sa umpisa tungkol sa pinagdadaanan nito sa kanyang married life. Hinayaan niya na si Melai ang lumapit sa kanya para magsabi dahil ayaw niyang magmukhang intrimitida.

Kumalat kasi ang balita na may problema sina Melai at mister nitong si Jason Francisco. Diumano, wala na raw oras si Melai para sa asawa. “Sabi ko na lang sa kanya, mas importante ang anak mo, kayo. Happy kayo. Ang problema dumadaan talaga sa pamilya ‘yan. Hindi ‘yan maso-solve ng hindi napapag-usapan.
“At nakita ko kasi kay Melai, sobrang mahal niya ang pamilya niya lalung-lalo ‘yung anak niya. Kaya ti-ngin ko kay Melai lahat sa kanya magiging positibo maging masaya lang ang pamilya niya,” paglalarawan ni Pokie sa kanyang kaibigan.
Hindi solved ang ko-medyana na ang dahilan ng problema ngayon ni Melai kay Jason ay dahil sa working hours ng taping nila for their teleserye na We Will Survive. Nagti-taping din daw kasi si Jason ng sarili nitong show sa ABS-CBN. Hindi rin naman daw ganoon ka-demanding ang taping nila sa soap para maapektuhan ang relasyon ng mag-asawa.
Ngayong malapit nang matapos ang We Will Survive, medyo nalulungkot si Pokie dahil magkakahiwalay na sila ni Melai. But she will make sure na tuloy pa rin ang communication nila ng best friend niya.  “Saka usapan namin kapag weekend punta sa bahay, ganoon. Bonding-bonding. Tuwang-tuwa ako diyan kay Melai baliw. Ewan ko ba. Iisa kasi ang hulmahan namin,” natatawang sabi ni Pokie.
Unlike Melai, si Pokie naman ay kering-keri i-manage ang oras niya sa trabaho at pamilya. Never nagkaroon ng isyu sa kanila ng American boyfriend niyang si Lee O’Brien ang oras niya sa trabaho.
“Maghintay siya, chos! Huwag nga siyang magulo. Ha-hahaha!”

Dugtong pa niya, “Hindi, ako kasi kapag Sabado at Linggo talagang hindi ako tumatanggap ng trabaho. Kasi kapag Sabado sa anak ko ‘yan, luto. Kapag Linggo, kay God ‘yan. Magsimba naman tayo kay Lord. Diyos ko isang araw lang ‘yan sa isang linggo, ‘di ba? Tapos palengke, ganoon.”
After We Will Survive, lilipad sa US si Pokwang for a series of shows. Tapos se-segue na siya sa inaabangang “meet-the-parents” na eksena niya sa kanyang future-in-laws next month. “Go-gora kami doon sa parents niya (Lee). Ang una kong isusuot ay…tisyu. Ubusan na naman ng English ‘to. Ano ba ‘yan?” natatawang sabi pa niya. Don na rin siguro nila paplanuhin ang bonggang kasal nila ni Lee.


No comments:

Post a Comment