“HAVE a blessed Sunday guys. Spread the love, GV lang tayo.”
That was Julie Anne San Jose’s message to her fans. Of late, Julie Anne has been bashed all because rumors were floating that she is romancing Alden
Richards.
Nang kumalat ang balita na galing pa raw mismo sa director ng Sunday Pinasaya na si Rich Ilustre, nagwala sa social media ang AlDub fans at binash nang
husto si Julie Anne. Nabahala si-guro si Julie Anne nang mag-post ang isa niyang fan ng pagbabanta kay Maine.
“Punta uli ako ng Sunday Pinasaya sa Sunday! Mga Adiks, Ready na ba kayu? Ako den ready ng sabunutan anung pangalan ng aso ni alden? Maine Mendoza? Oo!
Pag nakita ko yoon sa SPS kakalmutin ko un at sisipain plabas.
“Humanda ka pag kumalmot pa naman kami siguradong baon. Lagot talaga ka xamen sa sunday! Yang cinaxabi nilang maganda mong kutis? Bago ka umuwi durog
nay an. Xana mag lingo na,” say ng basher na sinasabing avid fan ni Julie Anne.
Mukhang hindi na-inform ang nasabing fan na nagkaayos na ang idol niya at si Maine nang mag-guest ito sa Sunday PinaSaya noong Linggo. Balitang napaiyak
pa raw si Julie Anne nang yakapin ni Maine na personal na nag-apologize sa pamba-bash ng AlDub.
Let’s see kung matatapos din ang away sa pagitan ng AlDub fans at ng mga supporters ni Julie Anne now na nagkaayos na sila.
No comments:
Post a Comment