BALITANG-ARTISTA

Wednesday, December 16, 2015

Gerald maraming pinaiyak, pang-best actor ang pagganap na beki sa MMK,





SIGURADO naman kaming mabibigyan ng acting award si Gerald Anderson dahil sa husay ng kanyang pagganap bilang isang bading na public school teacher na 

nagkaroon ng isang pambihirang sakit, ang X-linked Dystonia Parkinsonism (XDP) o ang Lubag Syndrome sa Maalaala Mo Kaya last Saturday.

Isa itong sakit na nakakaapekto sa galaw at pagsasalita ng isang tao. Aaminin namin kapatid na Ervin, medyo matagal-tagal na ring panahon na hindi kami 

umiyak sa isang MMK episode, pero noong Sabado ay talagang napaluha kami nang bonggang-bongga. Nakikisimpatiya kami sa tunay na letter sender na si Bert 

Mendoza, na dinagsa agad ng suporta mula sa kanyang former students.

Napakagaling ni Gerald kahit sa mga simpleng tingin nito. Feel na feel din namin ang pagmamahal niya sa kanyang pamilya, lalo na sa nanay niyang 

“carrier” din ng naturang karamdaman played by Snooky Serna.

Kaya naman nakikiisa rin kami sa pagbibigay tulong sa mga biktima ng XDP na ngayon nga’y nabigyan ng mukha ng dahil sa kasaysayan ni Bert Mendoza at 

mayroon na ngang panawagan ang MMK at ang ABS-CBN sa lahat ng nagnanais sumuporta para sa mga biktima nito.

No comments:

Post a Comment