BALITANG-ARTISTA

Wednesday, December 16, 2015

K Brosas pinaiyak ni Kris, hiniwalayan ang bagong dyowa: Hindi raw niya kaya!







NAPAIYAK si K Brosas sa episode ng Kris TV kahapon ng umaga nang mapag-u-sapan ang tungkol sa paghihiwalay nila ng kanyang boyfriend.

Hindi napigilan ng komedyana ang kanyang emo-syon nang tanungin ni Kris kung kumusta na siya after ng break-up. Nu’ng una ay ayaw pa sanang pag-usapan 

ni K ang tungkol dito pero napilitan din siya sa kakukulit ng Queen Of All Media.

“Huwag na nating pag-usapan, ayan naiiyak na ako,” ani K kay Kris. Dugtong nito, “Kanina lang kasi, so I’m so sorry. Pero siyempre happy pa din ako kasi 

kailangan kong maging masaya.”

Pagpapatuloy ng komedyana, “Masakit pero ganoon talaga. Hindi niya kaya so ‘yun na lang. Pero I’m still thankful kasi after 10 years (na walang 

boyfriend) kahit paano dumaan ang isang tao sa buhay ko at napasaya naman ako. So thank you sa time.”

Ayon kay K, nag-break sila ng guy dahil sa “commitment issues”, at mas mabuti na raw ‘yung nalaman niya nang maaga ang tunay na saloobin ng kanyang ex-

boyfriend kesa naman pahabain pa ang relasyon na walang patutunguhan.

“Wala naman akong regrets, wala akong galit whatsoever, wala akong bitterness. Masakit sa kung masakit pero ganoon talaga. Gusto ko magalit pero hindi, 

wag na,” hirit pa ni K Brosas.

Nakilala ng singer-comedienne ang nasabing guy noong mismong birthday niya last July.
Sey naman ni Kris sa kanyang kaibigan at co-host sa Kris TV, “At least naging masaya ka kahit paano, nabuksan uli ang puso mo to love again, kaya 

tuluy-tuloy na ‘yan (open sa pakikipagrelasyon).”

No comments:

Post a Comment