Friday, January 8, 2016

Kuya Germs pumanaw na




ISANG taon matapos magkasakit at makarekober, tuluyan nang namaalam kaninang madaling araw ang prominenteng comedian at TV host na si German Moreno.  Siya ay 82 anyos.

Sa report ng Radyo Inquirer, inisyu ang pahayag nang pagpanaw ni Moreno, mas kilala sa tawag na “Kuya Germs”  ng kanyang pamangkin at co-host na si John Nite.Binawian ng buhay si Kuya Germs sa St. Luke’s Medical Center dahil sa cardiac arrest, alas 3:20 ng umaga.


Ayon kay Nite, napapaligiran ng kanyang mga mahal sa buhay si Kuya Germs hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay.

Si Kuya Germs ay nakilala sa pagdiscover ng mga bigating artista mula sa kanyang tanyag na TV show noong dekada 80 na “That’s Entertainment”.
Siya rin ang host ng popular na programang “Walang Tulugan”.

Noong Enero, 2015, isinugod sa ospital si Kuya Germs matapos atakihin sa puso, ngunit nakarekober, at muling nakabalik sa showbiz, at nakapaghost pa ng kanyang programa sa telebisyon at radyo.



No comments:

Post a Comment