Friday, January 22, 2016

Bashers nina Alden at Yaya Dub natameme; unang Aldub library sa Laguna bukas na


SINO ngayon ang magsasabing puro kilig at tili lang ang pakinabang sa tambalan nina Alden Richards at Maine Mendoza?
Wala raw namang saysay ang AlDub, mga bulag lang daw ang kanilang mga tagahanga, kaya sinasabing penomenal ang kanilang pagsikat.

Nu’ng nakaraang Huwebes ay pinasinayaan na ng sikat na loveteam nina Alden at Yaya Dub, Lola Nidora at Lola Tinidora ang pinakaunang AlDub Library sa Lumban, Laguna.

Isa pa lamang ito sa maraming benepisyaryo ng “Tamang Panahon” ng Eat Bulaga at kalyeserye na ginanap sa Philippine Arena na nakalikom nang mahigit na apatnapung milyong piso.

Unang nabiyayaan ang Lumban Central Elementary School, hinandugan sila ng school library ng AlDub, kaya mula sa pusong pasasalamat ang itinatawid ngayon ng pamunuan ng nasabing paaralan sa penomenal na tambalan, sa noontime show at sa AlDub Nation, na ginawang posible ang pangarap ng Eat Bulaga na makapag-ambag ng library sa maraming paaralan.

Ang kanilang sigaw, “Ito na ang tamang panahon para magbasa,” kumpleto sa mga computer at librong kailangan ng mga mag-aaral ang unang AlDub library.
Mabuhay ang Eat Bulaga! Mabuhay ang tambalang AlDub, mabuhay ang AlDub Nation, mabuhay ang lahat ng mga kababayan nating sumuporta sa proyektong ito ng noontime show.

Dahil sa kadakilaan ng kanilang puso ay mas maraming kababayan natin ngayon ang nagdarasal na sana’y magtagal pa ang tambalan nina Alden Richards at Maine Mendoza.


No comments:

Post a Comment