HINDI na rin nakatiis si Ahron Villena sa pamba-bash ng mga netizen dahil sa ginawa niya kay Kakai Bautista. Sinagot na ng hunk actor ang mga panlalait at pambabatikos sa kanya ng bashers.
Nagalit kay Ahron ang ilang netizens matapos niyang i-friendzone si Kakai na pinaasa lang daw niya na pwede silang maging magdyowa. Mas tumindi pa ang pambabatikos sa binata nang burahin niya ang mga litrato nila ni Kakai sa kanyang Instagram account.
Sa kanyang Instagram account nag-post ng mahabang mensahe si Ahron para sa lahat ng kanyang bashers. Narito ang kabuuan ng kanyang IG post. “D ko po alam kung pano ako magsisimula o kung kelangan ko pa po mag post ng reaction ko.
“But I guess as much as I don’t want it to happen eh affected na rin nga ako sa mga pangbabash sa akin na nagaganap sa so cial media. “I try my best to remind myself that most of the REACTIONS happening online are reactions base only sa mga bagay na nakikita niyo sa fb o ig.
Pero alam naman natin na kakapiranggot lang yun ng totoong buhay. “Pero alam kong kaya kong sabihin ng walang alinlangan that I DON’T DESERVE a lot of the things that were said against me.
“Itong mga nakaraan araw lagi kong sinasabi sa sarili ko na tanggipin lahat ng pwedeng masabi sa akin – masama, manggagamit o paasa. Pero tao rin lang po ako na naapektuhan din.” “Yun tungkol po sa amin ni Ms. Kakai Bautista.
Lahat ng memories namin na nakita niyo sa social media ay isang bagay na mahalaga sa akin. “But with all humility gusto ko pong sabihin na hindi ko naman po aalisin yun mga yun kung wala pong dahilan. Kung ano po yun dahilan na yun, sa nga-yon po hinihinge ko nalang na sa amin nalang muna po yun.
“But whatever it is please realize na hindi po ako tanga o masama para basta na lang po burahin yun mga yun sa social media. “Please don’t judge me or don’t judge us base on what you may have heard.
But if you really have to i humbly request you to direct it to me but even as I say this I still appeal to all of you to stop all the hate. “Mas masaya po kung good vibes lang lagi!
No comments:
Post a Comment