BALITANG-ARTISTA

Tuesday, December 29, 2015

Malaking Selebrasyon abangan sa GMA Countdown To 2016




NGAYONG Dis. 31 (Huwebes), sabay-sabay salubungin ang bagong taon na puno ng sorpresa at kasiyahan dahil handog ng GMA Network ang isang pagtatanghal kasama ang mga paboritong Kapuso stars.

Sa Countdown to 2016, kaabang-abang ang mga inihandang pasabog kasama ang mga hosts sa pangunguna nina Kris Bernal, Andrea Torres, Betong Sumaya, at ang Pambansang Bae na si Alden Richards.

Isang makulay na pagsalubong sa bagong taon ang tiyak na magaganap dahil inaanyayahan ang lahat na duma-ting suot ang kani-kanilang mga costumes. At dahil nga nais ng GMA na magmahalan tayo nga-yong Pasko, magsimula nang mag-post ng mga gree-tings at selfies gamit ang hashtag na #Kapuso2016. Ang mapipiling selfie ay magkakaroon ng pagkakataon na makasama ang Pambansang Bae sa isang production number.

Mapa-comedy, kantahan o sayawan, talaga namang nangunguna ang Kapuso Network. Kaya naman ihanda na ang mga sarili dahil makakasama ang mga Kapuso artists kabilang sina Rocco Nacino, Mark Herras, Sef Cadayona, Julian Trono, Winwyn Marquez, Mayton Eugenio, Gerphil Flores at ang Starstruck Top 6.

Siguradong kakikiligan din ang mga performances mula sa on-screen loveteams na sina Gabbi Garcia at Ruru Madrid; at Bianca Umali at Miguel Tanfelix. Hindi rin dapat palampasin ang inihandang fireworks display na siguradong magpapamangha sa mga fans at viewers.

Maging bahagi sa isang engrandeng selebrasyon sa GMA Countdown to 2016 na magaganap sa SM Mall of Asia 

Seaside Boulevard sa Dec. 31. Magbubukas ang mga gates ng 5 p.m. at live telecast sa GMA ng 11 p.m.



Erik Matti sa MMFF scandal: Akala nila lahat ng tao pag niloko tatameme lang!


ERIK MATTI

AYAW magpaawat ni direk Erik Matti sa katatarang sa Twitter.
“We thought we were just doing a small film that will only appeal to a few. Thank you #MMFF2015 for the buzz you created. #HonorThyFather.”
“Akala nila lahat ng tao pag niloko tatameme lang kasi makapangyarihan silang mga haligi ng industriya. #MMFF2015Scandal.”
‘Yan ang latest na nakakalokang tweet niya. Earlier, he dropped hints in a blind item na meron ngang nangyaring sabotahe sa pelikula niyang “Honor Thy Father.” Meron daw kasing MMFF organizer na kasosyo sa isa o dalawang filmfest entries? “Tingnan ang winners. Nandiyan lang ang sagot. #MMFF 2015Scandal.#RIPMMFF,” tweet niya.



KrisTek love story pinatunayang #WalangForever

Image result for herbert bautista kris aquino


Pagkatapos ma-sangkot sa iskandalo dahil sa kanilang “bawal” na relasyon, dismayado rin ang mga tagasuporta nina Kris Aquino at Herbert Bautista nang mabalitang hindi na matutuloy ang gagawin nilang pelikula para sa MMFF. Kung matatandaan, nagkaroon ng drama queen moment si Kris nang bigla itong mag-inarte na hindi na niya gagawin ang “All You Need Is Pag-ibig” dahil sa kung anu-anong dahilan. Todo-post si Tetay sa kanyang social media accounts ng iba’t ibang rason kung bakit hindi niya puwedeng gawin ang pelikula. Pero, bottomline, ayaw lang talaga niyang makasama uli si Bistek dahil may “pain” pa rin daw siyang nararamdaman.

Mocha, Jim Paredes nagkainitan dahil kay Duterte

Image result for mocha jim paredes



Nagkasagutan sa kanilang Facebook account ang sex guru na si Mocha Uson at veteran singer-composer Jim Paredes nang dahil kay Rodrigo Duterte. Nag-post kasi ng “blind item” ang sexy singer laban isang beteranong OPM artist na kilala bilang isang “patriotic family man” na diumano’y napakaplastik at nagmamalinis matapos tirahin si Duterte at tawaging imoral. Sinagot naman ito ni Jim Paredes at sinabing kara-patan niyang maglabas ng kanyang opinyon sa mga national issue kabilang na ang 2016 presidential elections. Nakiusap din ito kay Mocha na magpakatotoo,



JM minalas na sa career, iniwan pa ng dyowa

Image result for jessy and jm

Attitude problem. Yan ang sinasabing dahilan kaya biglang tinanggal sa seryeng All Of Me si JM de Guzman na ikinabigla ng kanyang mga tagasuporta. May mga bulong-bulungan pa na bumalik daw ito sa kanyang pagbibisyo kaya laging nale-late sa taping ng kanyang serye. Pero mariin itong itinanggi ng aktor.
Ang sinasabi naman ng ilang malapit sa aktor, ang tunay na dahilan daw kung bakit muling napariwara ang binata ay dahil sa biglang paghihiwalay nila ni Jessy. Diumano, ang nanay ng aktres ang dahilan kung bakit muling nag-break ang dalawang Kapamilya stars.



Enrique, Liza, Jessy bidang-bida sa “airplane scandal”




Bentang-benta sa madlang pipol ang sumabog na balita tungkol sa pagwawala ni Enrique Gil sa loob ng eroplano habang patungo sila sa London para sa ASAP20 Tour dahil daw sa sobrang kalasingan. Ayon sa chika, binastos diumano ng binata si Jessy Mendiola hanggang sa madamay si Liza Soberano nang awatin nito ang ka-loveteam. May sampalan pa nga raw na nangyari.
Hindi man idinetalye ni Enrique ang insidente, ma-tapang itong humarap on national TV para akuin ang kanyang pagkakamali kasabay ng paghingi ng sorry sa lahat ng nadamay sa iskandalo.
Nagpasalamat din ito kay Liza dahil hindi siya inwan ng dalaga sa kabila ng mga nangyari.



James Reid, nanggalaiti sa galit ng ibuking ng isang netizen na nahuling nakikipaghalikan kay Julia Barretto


Image result for julia barretto and james reid

Galit na galit ang ka-loveteam ni Nadine Lustre na si James Reid nang ibuking ng isang netizen na nakita silang naghahalikan ni Julia Barretto sa isang bar. Ayon sa nagpakilalang JaDine fan, magpapa-picture raw sana siya kay James pero dinedma siya nito. Kaya ginantihan niya ito sa pamamagitan ng pagpapakalat ng balita na nahuli niya sa akto na naghahaikan sina James at Julia.
Inilabas ng aktor ang kanyang galit sa kanyang Instagram account at nag-dialogue ng, “Give me a break.
Does anyone really think I would have sex in a bar/public place… Stupid. If e-veryone wasn’t so gullible
I wouldn’t even have to be explaining my private life right now!”

Luis tinawag na bakla, nagwala


Image result for luis manzano parang bakla


Na-shock ang followers ni Luis Manzano sa social media nang murahin nito ang isang Twitter user na si @ItsMeArnel. Pinuna nito ang isang litrato ng TV host-actor – para raw bakla ang posing doon ni Luis. Tweet nito, “@luckymanzano aminin mo na bakla ka! bwahahahahaha! Mga cnungaling kaung artista, ang pinakamababang propesyon sa buong universe!”
Dito na nabwisit ang binata at talagang patol kung patol ang emote niya. Tinawag niyang “baboy” ang basher, “Oink oink!!! Ingat sa mga fiesta pards!!! Dapat na headline ermat mo dati, nanganak ng biik!
Ingat din sa paglabas brad, baka ma-sibat ka! Ha-hahahahaha!”
Inakala ng fans ni Luis na na-hack ang kanyang Twitter account pero inamin nitong siya talaga ang nag-post ng mga maaanghang na mensahe, katuwaan lang daw ang ginawa niya dahil bored na siya.



Ang bagong syota ni Ruffa na ayaw ng kanyang ina



Nagpalitan ng maaanghang na salita ang mag-inang Ruffa Guttierez at Annabelle Rama dahil sa boyfriend ng dating beauty queen na si Jordan Mouyal. 

Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin matanggap ng ina ni Ruffa ang dyowa nitong foreigner, dapat daw maghanap ang kanyang anak ng lalaking makapagbibigay sa kanya ng marangyang buhay.

Nag-walkout pa nga si Ruffa sa mismong birthday ng kanyang ina matapos nitong pagsabihan ng masasakit na salita ang kanyang BF. Ilang buwan din ang lumipas bago tuluyang nagkaayos ang dalawa.

Kamakailan lang ay nasabi ng talent manager na nagbati na sila ng anak dahil hindi na niya nakikitang magkasama sina Ruffa at Jordan.




Alex Medina in BABAGWA



'Nuwebe (2013) - Jake Cuenca


Alex Medina payag magdyowa ng bading sa isang kundisyon

Alex Medina


WALANG kaarte-arteng sinabi ng gwapong young character actor na si Alex Medina na may posibilidad na ma-in love siya sa isang bading.
Sa interview kay Alex ng Aquino And Abunda Tonight nu’ng Lunes ng gabi, tinanong siya ni Boy Abunda ng, “Would you ever fall in love with a gay man?”
Ang tugon ng anak ng veteran actor na si Pen Medina, “Depends. Maybe. If we’re soulmates.”
Kontrobersiyal ngayon si Alex dahil sa panghihipo sa kanya ng isang babae nang rumampa siya sa bakaraang Cosmo Bachelor Bash 2015.

Sinabi nitong may nandakma at may kumurot sa kanyang birdie nang lumuhod siya sa isang bahagi ng stage malapit sa audience.
Nang tanungin kung nabastusan ba siya sa ginawa sa kanya, chika ng binata, “Actually, I just played it off eh, but it’s okay.”
Hindi rin daw sure si Alex kung babae ba o bading ang nandakma sa kanya, isa sa mga kaibigan lang niya ang nagsabi na girl ang “suspek”.
Kaya ang tanong ni Boy Abunda kung may difference ba kung bading talaga ang gumawa sa kanya ng ganu’n?  “It’s okay, sanay naman ako,” natatawang sagot ni Alex.
Hindi diretsong sinagot agad ni Alex ang tanong kung may experience na siya sa bading, tinawanan lang niya ito sabay sabing, “Anong experience? Ha-hahaha! No.”
Napapanood si Alex ngayon sa Primetime Bida serye na Pangako Sa ‘Yo at kasali rin siya sa pelikulang “Heneral Luna” na mapapanood na sa Sept. 9 sa mga sinehan.



Monday, December 28, 2015

Dayaan ng ticket sa MMFF iimbestigahan din


Bukod sa kinukuwestyong diskuwalipikasyon ng Honor Thy Father, iimbestigahan din ng House committee on Metro Manila Development ang napabalitang ticket switching sa mga sinehan.

Sinabi ng chairman ng komite na si Quezon City Rep. Winston Castelo na hindi katanggap-tanggap ang pagkakaroon ng dayaan sa bilihan ng ticket upang mapataas ang ticket sales ng ibang pelikula.

Ayon sa mga lumabas na ulat, may ilang manonood ang bumili ng tiket para mapanood ang “My Bebe Love” pero binigyan umano ng ticket ng karibal na”Beauty and the Bestie”.

Sinabi ni Castelo na agad niyang ipatatawag ang pagdinig sa pagbubukas ng sesyon sa Enero upang maimbestigahan ang reklamo sa Metro Manila Film Festival.

“This is a lingering issue that has not been appropriately addressed and clarified,” ani Castelo.
Ipatatawag umano niya ang mga opisyal ng mga pelikulang sangkot gaya nina

Kung kailangan, sinabi ni Castelo na lilikha sila ng batas upang mabantayan ang mga polisiya ng MMFF para mas lalong mapalakas ang industriya ng pelikulang Pilipino.

Aldub winasak na ang record ni Vice sa MMFF; My Bebe Love kumita ng P60.5m sa opening day






WINASAK na ng tambalang Alden Richards at Maine Mendoza ang naitalang record ni Vice Ganda sa history ng Metro Manila Film Festival.

Ito’y matapos kumita ang “My Bebe Love: #KiligPaMore” ng AlDub ng humigit-kumulang P60.5 million sa unang araw pa lang ng 2015 MMFF noong Pasko

Sa report ng GMA, umabot daw sa P60,462,169.57 ang ticket sales ng nasabing MMFF entry noong Dec. 25, dahil na rin sa dami ng sinehang ibinigay sa pelikula. Sa SM Megamall pa lang ay apat na agad ang sinehan ng “My Bebe Love”.

Patunay lang ito na buung-buo pa rin ang suporta ng ALDub Nation kina Alden at Maine, pati na rin kina Vic Sotto at Ai Ai delas Alas. Tinupad nila ang kanilang pangako na gagawin nilang Box-Office King & Queen ang tinaguriang phenomenal loveteam ng taon.

Sa unang ulat na nakuha namin, umabot sa mahigit P33 million ang kinita ng AlDub movie sa Metro Manila, habang umabot naman sa P27 million ang ticket sales sa mga provincial cinema.

At dahil nga rito, ang “My Bebe Love” na ang may hawak ng titulo bilang “highest opening gross among all Filipino films of all time.” Sa ginanap na 2014 MMFF ang entry ni Vice Ganda na “The Amazing Praybeyt Benjamin” ang tinanghal na “highest opening gross among all Filipino films of all time” matapos itong kumita ng P53 million sa opening day ng MMFF.

Habang sinusulat namin ang balitang ito, nananatili pa ring number one sa labanan sa takilya ang “My Bebe Love”, at pangalawa naman ang “Beauty And The Bestie” nina Vice at Coco Martin.



Sunday, December 27, 2015

Ticket na pinagbilhan ng My Bebe Love sa Beauty and the Beastie napupunta,




BINALAAN ng mga taong involved sa production ng MMFF 2015 entry na “My Bebe Love” ang mga manonood hinggil sa naganap na “ticket swapping” sa ilang SM cinemas sa opening day ng taunang filmfest.

Nagreklamo ang mga moviegoers, partikular na ang fans nina Alden Richards at Maine Mendoza nang mapansin na ibang titulo ng pelikula ang naka-print sa kanilang ticket.
Sa halip kasi na “My Bebe Love” ang nakasulat sa ticket na ibinigay sa kanila ay ang pelikulang “Beauty and the Bestie” nina Coco Martin, Vice Ganda, James Reid at Nadine Lustre, ang naka-print sa ticket.

Mismong ang director ng pelikula ng AlDub na si Joey Reyes ang nagkumpirma ng insidente kasabay ng pagbibigay nito ng babala sa mga manonood. Ani direk Joey sa kanyang Twitter account, “Got word from producer:IT IS TRUE.
Make sure that the title of the movie on YOUR ticket is what you want to watch.Beware of ticket swapping. “BEWARE OF TICKET-SWAPPING. Look at the title of the movie on your tickets. REPORT anomalies or take IG pictures and POST in social media.

“Please be calm but cautious. More important, true happiness can only be obtained by sincere and honest actions. ALDUB NATION, be above this,” sey pa ng direktor.
Ayon naman sa isang loyal supporter nina Maine at Yaya Dub, “#AlDubNation please be aware! Initially thought it was just a random mistake when we saw similar posts earlier but apparently it’s not! We don’t want to think bad of other people but it seems the ticket sales are bring rigged in favor of someone else’s film!”

Tweet naman ng isa pang nanood sa first day ng “My Bebe Love”, “Hope you can help do something about this to help the stars of #MyBebeLove also @msaiaidelasalas @mainedcm @aldenrichards02. Thank you.”
Hirit pa ng isa, “My bebe love ang pinanood nmin pero beauty and the bestie ang ticket na binigay.. bat ganun????” Nang makarating sa Eat Bulaga host na si Joey de Leon ang insidente, nagbigay din ito ng babala sa kanyang Twitter account, “Babala: Pangit yang ST(Swapping Tickets).

Wag naman. #ALDUBMyBebeLoveSaPASKO.” Ilang oras ang nakalipas, nag-post naman ang pamunuan ng SM Cinema ng mensahe sa pamamagitan ng kanilang official Twitter account, kinumpirma nitong nagkaroon nga ng ticket swapping “due to high volume of tickets purchased”.

Dahil dito humingi ng paumanhin ang SM Cinema sa nangyaring pagkakamali. Nangako naman ang SM management na mabibilang ng tama ang mga nabiling ticket para sa “My Bebe Love” na siyang nangunguna ngayon sa ta-kilya among all the official MMFF entries.

Hinikayat din ng pamunuan ng sinehan na ibigay ang ticket details sa mga takilyera o sinumang authorized staff ng SM ng mga nagrereklamong manonood.

Tuesday, December 22, 2015

Pagkapanalo ng Ms Philippines, inupakan ni Ms Germany




Kaliwa’t kanang lait ang inabot ni Miss Germany when a video of her surfaced on social media. Takang-taka kasi ang hitad kung bakit nagwagi si Pia dahil hindi raw nila ito ibinoto.

With that ay sandamakmak na negative comment ang inabot ni Miss Germany na thank-you-girl lang naman.
“At umepal ka pa talaga ni hindi ka nga nakapasok sa 15, bitter herbs lang ang lola!”

“Troot! At dahil dyan, alam na namin ba’t #clapper ka lang. Your attitude won’t make you a good Miss U rep, whatever happened to world peace? Bitteresang bitchesa, alam ba niya na half-German ang nanalo?”

“Insecure lang ang lola sa beauty ni Pia. dapat ang manalo talaga yung walang interpreter. Toink!”

“This Miss Germany has the temerity to criticize Pia, while in fact si Pia half-German, half-Pinay samantalang siya immigrant lang. Tapos sasabihin niya walang bumoto sa kanila ke Pia. The nerve!”
“At paano naman niya nalaman na walang contestant ang bumoto kay Pia? Tinanong ba niya isa isa sila? Masama lang loob niya.”
“I saw a lot of tweets coming from Germans na nainis sa statement niya. Don’t join any competitions if you’ll just sourgrape in the end. Nakakaloka! di man lang maging sport.”

“Nakakaloka ang Ms Germany na ‘yan e halata namang retokada siya kaya lost ang gagah! Hindi na lang manahimik at maging masaya para kay Ms Philippines! Bruha siya!”
Another one said, “Hoy MS GERMANY shut up! Kaya ka siguro hindi nanalo mareklamo ka! Umuwi ka na lang sa inyo. Dun ka na lang rumampa! TALUNAN!”


Saturday, December 19, 2015

Sandamakmak na bodyguards ni Alden inirereklamo ng mga Showbiz reporter



May mga nakakuwentuhan kaming kasamahan sa panulat na naninibago sa sitwasyon ni Alden Richards. Nandu’n ang pagkukumpara, binabalikan nila ang mga panahong hindi pa ganito kasikat ang guwapong aktor, ibang-iba ang kanilang paglalarawan.

Naninibago sila sa sanrekwang bodyguards ng Pambansang Bae, ni hindi na raw tuloy nila makausap man lang si Alden, samantalang nu’ng mga nakararaang taon ay napaka-generous niya sa pakikipagkumustahan sa mga press people.

Ang maganda lang ay hindi si Alden ang sinasabi nilang nagbago, ang sitwasyon lang, dahil biglang sumikat ang singer-actor dahil sa tambalan nila ni Maine Mendoza. Oo nga’t nakabubulag ang kasikatan na maraming artista ang naaapektuhan ay positibo ang sinabi ng aming mga kapwa manunulat, hindi si Alden ang nagbago, kundi ang sitwasyon lang niya ngayon.

Gustuhin man siguro ng sikat na binata na makipagkuwentuhan ay hindi na ‘yun maibibigay ng napakahigpit niyang schedule. Halos wala na siyang pahinga at tulog, katatapos lang ng kanyang kompromiso ay meron na namang kasunod, ‘yun ang kakambal ng kasikatan na kadalasan ay hindi naiintindihan ng marami.

DJ Mo inupakan uli si Duterte, kinampihan ng madlang pipol





SUNUD-SUNOD ang mga ipinost ni Mo Twister sa kanyang social media account about presidentiable Rodrigo Duterte. He didn’t mention the name of the subject but it’s very obvious kung sino ang pinatutungkulan niya.

“Down with political dynasties, but the Duterte family is OK.” “Down with the communists! Except our guy who coddles them.” “A clean, safe and progressive city like Naga is not comparable to Davao.

But I can empathically generalize that what has worked in Davao will also work for the whole country.”
“Human rights should not be violated. Except those of small time alleged criminals. Or the pregnant poor who turn to pushing drugs.”

“LP members Twerking with ladies on stage? Mar Roxas’ Tuwad Na Daan! But kissing and fondling the boobs of ladies sitting on our guy’s lap is just part of his charm.” “How dare that comedian insulting our women by calling them Hipons.

But when our guy says he hate responding to issues coming from lady candidates, he is so tough!”
“We should hold our leaders to higher moral standards! Except our guy, at least he’s brazenly honest.”

“Look at PNoy. He’s so insensitive with his comments! Except our guy. At least he’s hard nosed.”
“We need a leader who says what he means. Except when our guy says something stupid that will get him into trouble. Come on now, he’s just JOKING!”

“Think of the children! Indigenous peoples! But hey, motorcycle-riding death squads are OK by me as long as they don’t go for me or my family.” “We need a tough leader who will jail all corrupt officials! But our guy wanting to give leniency to Gloria Arroyo is proof that he’s compassionate.”

“Our president should be decisive on important matters! But I’m okay with our guy. It’s political strategy lang naman.” “Dapat issues ang pag usapan! I need a clear and specific platform! But our guy’s motherhood statements for every problem are OK by me.”

“No to INC’s bloc voting! Except for Apolo Quiboloy’s The Kingdom of Jesus Christ because well, they’re best friends and have you seen how hot their Ukrainian ushers are?!” Comments on Mo’s post were mostly positive like, “Very on point.

For the first time nagustuhan ko si Mo LOL. Ewan sa iba tard na tard. Ako pa naman botong boto kay Duterte dati pero habang tumagal na-off ako sa mismong pinapakita, sinasabi, inconsistency at paguugali nya.

“Ewan ko bakit ang dami nyang warriors na nagbubulag-bulagan at hindi mo pwedeng salungatin sa FB, twitter or IG kasi tyak pagtutulung tulungan ka to the point na namemersonal na. Ganyan ata impluwensya ni Du30,” said one guy.

“Im not for LP or mayor duterte pero this is so effing true! Duterte followers are…. i cant even…!” said another guy. One Mo supporter agreed and said, “I think rational is a better term. He is rational, logical and uses common sense.

Duterte supporters are blinded by what he did in Davao. What worked in Davao may not work for the rest of the country. “Ang mga Pilipino masyadong pinapahalagahan ang kalayaan.

If Duterte sits in office and starts implementing his laws, I bet you the people who voted for him will be the first ones to oppose.”